CHAPTER 44: THE LIFE

9.9K 264 53
                                    

Dedicated to: impatientperson

***

Isang malakas na katok ang narinig ko mula sa pinto ng kwarto namin ni Soul. At dahil naliligo ako ngayon dito sa banyo ng aming kwarto hinayaan ko na lang na si Soul ang pumansin sa pinto sa labas.

"Labas na tayooooo! Asan si Czera?" ang matinis na boses ni James ang agad kong narinig. Pinapasok ata ni Soul silang lahat dahil umingay na ang kaninang tahimik at awkward na kwarto.

"Naliligo pa." tipid at mahinang sagot ni Soul na tama lang sa pandinig ko.

Biglang kumalabog yung pinto ng banyo na sobrang ikinagulat ko dahil sa sobrang lakas ng pagkatok ay pakiramdam ko'y masisira na ito.

"Hooooy! Czera! Lumabas ka na dyan! Bakit naliligo ka pa eh maliligo din naman tayo sa dagat! Labas na!"

"Tae mo, James! Maghintay ka ha! Syempre babae ako uy! Wag mo kong itulad sa inyo!" sagot ko pabalik kay James.

Actually natatawa ako. James' been so excited kagabi pa lang sa hapunan sa mansyon.

"Babae ka?! Di uso sayo yan, labas na!" patuloy pa rin ang pangangalabog nya sa pinto ko.

Buti na lang nagbibihis na ako. Pag nagkataon na naliligo pa ako, siguradong matataranta na ako pag minamadali na nila ako ng ganito.

"James, tigilan mo na nga si Czera. Di ka naman tatakbuhan ng dagat eh." narinig kong depensa ni baby Jin para sa akin. Mygaaaas, kenekeleg ake.

"Di nga. Pero tumatakbo naman yung oras."

At ayun, nagsimula na ang mga opinyon ng bawat isa. Hanggang nakalabas na ako at agad na ako hinila nina James at Hope.

Sa pagbaba namin, pinakilala na ni Cas sa amin ang magiging photographer at videographer namin. Asahan daw namin na andyan sila kahit san kami pumunta dahil kelangan daw makuhanan ang magiging mga araw namin dito. Mula pagkagising hanggang pagtulog ay sila ang makakasama namin. Ano pa nga ba magagawa namin? Kung nasa showbiz ka, kelangang isapubliko ang buhay mo kaya wag ka ng umasang magkakaroon ka pa ng pribadong buhay.

Kaya ayun na nga. Takbo kaming lahat papuntang dagat at alam kong kinukuhanan na kami. But when you're having fun like this, di mo na mapapansin ang paligid mo. Nakita ko ring may mga taga-media sa paligid at dahil sa ingay ng mga sigawan ng mga lalaking ito ay nakuha nila ang mga atensyon ng mga taga-media. Litrato dito litrato doon. Kahit mataas na ang sikat ng araw ay makikita pa rin ang mga flash na nanggagaling sa kanilang mga cameras. May iba ding mga tao na nasa resort ang kumukuha na rin ng litrato sa amin. May mga torista at halatang naaliw namin sila dahil nakangiti ang mga ito habang pinapanuod ang kulitan namin.

Nagulat ako ng biglang umangat ang katawan ko, yun pala ay pinapasan na ako ni Jun sa balikat nya. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagtapon nya sa akin sa tubig. Buti na lang at naka-spaghetti strap shirt ako at beach short shorts at hindi ko tinuloy ang magtwo piece, kundi baka natanggalan pa ako ng pang-itaas. Noooooo! Scandal na yun. Pero syempre, matino pa naman siguro ang pag-iisip ko para wag piliin ang magtwo piece sa harap ng mga kalalakihang ito at sa mga mata ng media. May nakikita akong ibang mga artista na nagtutwo piece at nagsasun bathing, pero buhay na nila yan. Di ako sanay na may makakita sa katawan ko maliban kay Ren.

Speaking of that b***tch, san na kaya yun napadpad? Andito naman si Cas at nakabantay sa amin, yung ibang staff namin nakikita ko naman sa paligid, nagpaiwan kaya yun sa quarter nila? O naghahanap lang ng kaharutan?

Sumisid ako at marami akong nakitang maliliit na mga isda na agad na naglanguyan palayo. Maputi ang buhangin sa ilalim at in fairness, minimaintain nila ata ang kalinisan ng tubig dahil ni isang dahon ay wala akong makita.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon