CHAPTER 70: THE COMPETITION

2.8K 75 9
                                    

Dedicated to: Slpdth

***

Staring at my notebook, andito lang ako sa sala at sinusubukang taposin ang arrangement ko para sa comeback. Mag-isa lang ako dito kasi nasa studio na yung iba. Dalawang araw na din ang nakalipas simula ng pangyayari pero binigyan pa nila ako ng isang linggong pahinga with the practice and also with the taping. Nagising na din si James kaninang madaling araw sabi nina Hope at Aron na nagbabantay sa kanya ng mga oras na yun. We take shift sa pagbabantay sa kanya since we don't have any means of communication sa family nya. Wala daw kasi sila dun any kinds of phone due to the poor signal of their place.

They said nanghihina pa si James pero with more rest and medications, mababawi din nya lakas nya soon. Though for me it's not totally a good news. Bumalik man ang sigla nya, it would take more time before he can dance again. At balita ko, he'll be pulled out from the casts. His character as Cain will be set in an accident and will be stuck in a hospital where he'll be watching his sister, Bel carry on with their dream.

Napahinga ako ng malalim. Gising na kaya sya ngayon? Gabi pa ang shift namin ni Jun sa pagbabantay sa kanya. Sa ngayon, si Cas pa nagbabantay dun. Pwedi naman akong pumunta dun kung gustuhin ko. But... I can't do it. Hindi ko pa magawang magpakita sa kanya.

Another sigh escaped so I pulled out my phone, scrolled my social media at parang pinagsisihan ko pa na nagbukas ako nun. News about James getting injured are everywhere. May ibang mga fans na nagwwish sa kanya na magpagaling na, meron din naman na nalulungkot dahil nasaktan ang idol nila, pero may iba ding nagalit dahil sa nangyari kay James kesyo pinabayaan lang daw  sya ng entertainment and staff.  

I almost forgot about the fans. Isa din pala sila sa mga naatraso ko.

I set my phone on the table at ibinalik na lang ulit ang atensyon ko sa pagtatapos ng ginagawa ko. But still, there's something that's holding me back. I'm thinking about James' family. How clueless they were. I really want to go visit them pero di pa rin maalis-alis sa utak ko ang sinabi ni Vein. Isama pa ang tono ng pananalita nya noong araw na yun. Sa twing na nasasalubong ko sya dito sa dorm o sa labas man, mapa-studio o stores, hindi ko magawang tignan sya mata sa mata. Hangga't possible ay gusto ko muna syang iwasan dahil kahit di man nya sabihin, alam kong may galit sa loob nya. Alam kong sinisisi nya ako at ayaw nya lang akong diretsuhin. He's my closest afterall.

This is getting frustrating. Trying to finish your work pero di makapagconcentrate because of things going around your mind. I might need some air to clear it.

I grabbed my phone and quickly went outside. Mainit pero atleast may hangin to inhale. Yung tagos diaphragm na pag-inhale.

While having my inhale-exhale session sa front porch ng dorm, I suddenly made a decision out of the blue. Aside from Vein, naalala kong dinrop off ni Jin si James dati nung Christmas break. How come nakalimutan ko si Jin? Si Jin pa talaga nakaligtaan kong maalala.

Tatawagan ko na sana si Jin ng biglang bumukas ang gate at iniluwa nito ang natatanging anghel na kilala ko dito sa lupa walking smoothly towards me. Napangiti ako the moment he meet my eyes. Sa likod nya ay yung van namin pero di ito pumasok.

"Princess, ano ginagawa mo dito sa labas?" tanong nya habang palapit na sya sa akin.

"I... I'm..." now what? Bakit umuurong dila ko all of a sudden?

"Princess?" medyo sinilip nya ang mukha ko dahil nakatitig na ko sa damo sa baba.

Ibinalik ko ang mga tingin ko diretso sa mga mata nya.

"Napauwi ka ata?" instead I asked that stupid question.

Ngumiti sya bago sumagot.

"Shift na namin ngayon sa pagbabantay kay James, di ba? Magtatanghalian na. Papalit lang kami ng damit tsaka magdadala na din ng extra then punta na kami dun."

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon