CHAPTER 57: THE SIDE OF HIM

7.9K 178 7
                                    

Dedicated to: ChristinemarieTabern

***

Bigla syang tumawa ng malakas pero napakunot lang ako ng noo ko.

"Like hell! Bagong henerasyon na tayo ngayon, iha, magpapakabayani ka pa? Disgusting." sarkastiko nyang sinabi with a smirk on his face.

"Isipin nyo na lang ang gusto nyong isipin. Ako na mismo ang nag-aalok sa inyo, and I tell you, hindi na kayo mahihirapan pa kung ako yung gagamitin nyo sa pagkasira ng DR at pagkahiya sa pangalan ni Ms. Novie. Isipin nyo na lang, DR trust me so much now. Dagdag nyo pa ang kaalam ng lahat tungkol sa agarang pagtanggap ni Ms. Novie sa akin. If they'll find out everything about me, dudumugin ng buong media si Ms. Novie, kakalat sa buong mundo, and the whole DR will be doomed." I explained further at bumalik ang seryosong mukha ni Penly. I think he's already paying attention with what I'm offering to him. One more push.

"Lahat ng yun, laban sa mga nakaraan ng pito. Using their past against them only have 85% of success rate. Bakit? Coz they can cover every issues, they have their avid fans na tatanggapin pa rin sila kahit ganu man kapangit ang mga nakaraan at mga nagawa nila noon. And because they are not on your side."

"So, are you saying, Ms. Presco... that you are on MY side now?" with emphasis pa yun.

"Wala akong pinapanigan kundi ang sarili ko lang, Mr. Penly. Going back..." bago ako magpatuloy, tinignan ko ang isang CCTV sa loob ng opisina nya. And those are his real trump cards.

"There are three CCTVs inside your office. Panigurado, lahat ng mga anggulo ko noong una akong pumasok dito pati na ang pag-uusap natin ay kitang-kita. Kahit naman walang audio, everyone who see it will understand what's going on. Now I'm giving you your first bullet, Mr. Penly. Kung ikakasa mo man ang balang yun, sasanggain ko yun ng buong-buo. Ang mga tao, naniniwala ng lubos kung mismong sa bibig ng nasasadlak nanggaling. That's how big your benefit if it's me." alam ko ba ginagawa ko? Oo. Mas maganda ng ganito na may gawin ako kahit na ikabagsak ko pa. Kesa sa wala akong gawin hanggang sa lumabas na lang ang katotohanan.

Nakatingin lang si Penly sa akin. Kitang-kita na pinag-iisipan nya ng lubos yung mga sinasabi ko.

"Digging your own grave, eh? Handa kang masira ang tiwala nila?" sa wakas ay nagsalita na sya pagkatapos ng ilang minuto.

"Matagal ko ng napag-isipan ang pagsira ng mga tiwala nila sa akin. But what can I do? It's part of my consequences. I am already aware of that and my grave has been dug since the day I stepped in here." diretso at seryoso pa rin ang tingin nya sa akin.

"You should have think about that before you made that reckless decision."

"The damage has been done. We can never turn back the time. Instead, we just have to make use of the time left for us."

Huminga ng malalim si Mr. Penly at sumandal sa sofa na inuupuan nya.

"I'll see what I can do. I'll let you know if I settle the plan. For now... magpatuloy ka muna bilang si C. You may go now." pagkatapos nyang sabihin yun ay tumayo na sya at pumunta dun sa mesa nya at umupo sa kanyang swivel chair.

Makikitang malalim ang iniisip nya kaya tumayo na rin ako at lumabas na ng kanyang office.

CHRISTHAN VAN POV

I looked at her as she walk out of my office. Inaamin kong napahanga nya ako sa ibinigay nyang ideya sa akin. Na sya na mismo ang nagsabi ng ikakabagsak nya. That girl.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon