CHAPTER 43: THE TRICK

10.2K 275 30
                                    

Dedicated to: chelleshain

***

Our day ended early. Maaga pa kasi kami bukas kaya umuwi kami ng alas otso. Maaga na yun kaysa sa karaniwan naming uwi. Minsan kasi 3am na kami umuuwi.

Nakarating na kami ng mansyon ay dala-dala ko pa rin sa aking isipan ang nangyari sa tanong ni Vein kanina.

"Panu kung dumating yung panahong kelangan mong mamili sa isa sa amin?"

Nagkatinginan kami ng matagal at alam kong hinihintay ni Vein ang isasagot ko sa kanya pero hindi agad-agad nagregister yung tanong nya kaya di ko alam kung anong isasagot ko.

In the end ngumiti sya at biglang tumawa sabay sabing, "What I mean sa magiging concept ng comeback natin. Di mo pa ba alam? Pag makabalik na tayo sa dorm ay syang simula na rin ng susunod nating paghihirap. Sabi ni Ms. Novie ay mag-aagawan kaming pito sa puso mo kaya kelangan nating bumuo ng kantang nagpapahiwatig ng love rivalry. Kaya naisip ko kung sino kaya pipiliin mo sa panahong yun?

Nakaramdam ako ng ginhawa dun. Bakit kasi ang seryoso ng mukha nya sa tanong nyang yun?

"Hmmm, I wonder kung sino. Pero sana si Jin." sabay tawa ko ng malakas.

Pero ng makita ko ang pag-iba ng ekspresyon ni Vein, naisip ko na baka totohanin nya at ilaglag ako kay Jin.

"Di joke lang. Si Jin lang kasi nakikita kong matino sa inyo." at natapos ang pag-uusap namin sa tawa ko na syang sinabayan din nya kalaunan.

"CZERAAAAAAAA?" andito kaming lahat sa sala at hinahanap ang aming mga sarili.

Sa sobrang pagod ay parang mga lantang gulay kaming nakaupo at nakasandal sa sofa.

"Czera!" napabalikwas ako mula sa aking posisyon upang tignan ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin.

Halos lumuwa ang mga mata ko ng makita sina mama at papa kaya agad ko silang sinalubong ng halik.

"Ano itong narinig namin na babalik na daw kayo sa dorm nyo? Iiwan nyo na ang mansyon?" tanong ni mama na napalingon ng pito.

Iniwan muna kami ni papa at nilapitan yung mga lalaki sa sala.

"Ma, wag na kayong mag-alala, ligtas na po kami dun. Rinenovate na po ni Ms. Novie ang buong dorm at naglagay na rin ng mga security guards kaya ayos na dun." sagot ko.

"I don't mean that, I just thought you're all gonna live here."

"Ma, wag mo silang itulad sa akin. The guys were there for how many years now. It's their home throughout those years and soon might also be mine. Ang dorm na yun ang tumanggap sa kanila, there are memories there and I want to have my memories there too. Kaya gustuhin man namin na dito na lang, iba pa rin ang pakiramdam sa dorm."

Huminga ng malalim si mama at hinaplos ang aking noo pababa sa aking pisngi.

"It's just that you guys brought life again in this mansion."

"Hindi naman nawalan ng buhay ang mansyong ito, mama eh. Nandyan pa sina Nana at Fausto na nagbabantay dito, dagdag mo pa yung ibang mga butlers and maids. This mansion never get rid of life. There's still Kuya Yue's music room. Habang nandyan yan, kuya will always be with this mansion."

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon