CHAPTER 42: THE BACK TRACKS

11.6K 294 45
                                    

Dedicated to: icealsiorna

***

CZERA POV

Kahit nanlalabo ang mga mata ko sa mga luha ay alam kong si Soul ang nakakita sa akin. Pero di rin nagtagal ang pagdikit ng mga mata namin dahil bigla syang tumakbo. Hinayaan ko na lang sya, wala namang mangyayari eh. Di naman ako kinakausap nun. Hanggang sagot lang sa mga tanong ko kung di man maiwasan na pansinin nya ako. Di naman sya isnobero pero mostly iniiwasan nya ako. Nakikinig naman sya sa akin sa twing may sinasabi ako sa grupo. He's not that bad pero hindi naman mapapalitan ang gender ko eh. Ginawa kasi akong babae ni Author K.

Dahil sa nangyari, nakalimutan ko na yung nararamdaman ko kaya pinunasan ko na yung mga luha ko sabay sinarado yung piano at lumabas.

Sa paglabas ko, nakita kong nakasandal si Soul sa dingding ng hallway. Syempre nagulat din ako ng tinignan nya ako at muling nagtama ang aming mga tingin.

Ngumiti ako at para bang nahihiya eh iniwas nya yung tingin nya sa akin.

"About what you saw, pasensya ka na ha, namiss ko lang kasi si Kuya, he used to own that room." palusot ko.

Di na ako lumapit pa sa kinatatayuan nya dahil alam kong aatras pa rin naman sya.

"A-ako nga dapat humingi ng sorry kasi... ano, uhm... sumilip ako. It should be private, I guess."

Napangiti ako kasi medyo humaba-haba ang sinasagot nya sa akin. Parang nawala lahat ng bigat ng nararamdaman ko. Yun bang parang kinuha yung mundo mula sa balikat ko.

"Di ko naman naisarado yung pinto ng tuluyan eh kaya hindi pagsisilip ang tawag mo dun." ngumiti ulit ako sa kanya pero nasa sahig pa rin yung tingin nya.

"C-can I ask you something?" huwaaaw! May itatanong si SOUL sa AKIN??? Pwedi ko bang ipagsigawan ito sa buong mundo? This is the first conversation we ever had.

"A-ano yun?" parang timang na ata ako sa kalaki-laki ng ngiti ko. Baka matakot pa lalo si Soul sa akin.

"I-ikaw ba gumawa ng kinanta mo? I mean, hindi kasi pamilyar s-sa akin."

"Yun ba? Isa yun sa mga komposisyon ni Kuya Yue, nilagyan ko lang ng lyrics."

SOUL POV

"Yun ba? Isa yun sa mga komposisyon ni Kuya Yue, nilagyan ko lang ng lyrics." what the?

Napaangat ako bigla ng tingin sa kanya. Seryoso ba sya? Commonly kapag nagcocompose ng kanta, inuuna yung lyrics bago ang tune para alam mo ang magiging takbo ng kanta pero sya, nilagyan nya lang ng lyrics ang komposisyon ng kapatid nya? What the sweg?

"B-bakit?" napawi yung weird nyang ngiti.

"Ha? A-ah, w-wala. S-sige, yun lang. Good night."

CZERA POV

Pagkatapos ng usapang yun, balik sa dati na naman si Soul sa akin. Pinalipas lang namin ang Halloween sa loob ng studio. Bawat araw, nasa studio kami at nagprapraktis. Hindi na ulit ako nakapasok habang si Ren ay pinagpatuloy ang pagpasok sa aming mga klase. Kamusta na kaya sila ni Christine. Sana si Christine na lang. Please author? Boto talaga ako sa kanya.

Napahanga ako sa kantang ginawa ni Soul. This is my first time na kantahin ang kantang ginawa nya na alam ko talagang pinagpuyatan nya. Pero simula nung una naming pag-uusap, minsan nahuhuli ko syang nakatingin sa akin, at kapag magtama na ang mga mata namin ay agad nya namang iniiwas ang tingin nya.

"Gutom na akoooo!"

Ngayon andito kami sa studio ng NGR, kasama ko si James sa pagprapraktis ng parte namin. Nakakahanga talaga ang vocal range ng lalaking to. Sa isang sulok naman, andun sina Hope, Aron at Jin. Pinapolish kasi ni Hope ang sayaw ng dalawa. At sa kabila naman, sina Soul at Jun. Masinsing nakatutok si Soul sa laptop nya habang tinatabog ang nangungulit na Jun.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon