CHAPTER 51: THE KNIGHT

10.5K 264 82
                                    

Dedicated to: Elle731

***

THIRD PERSON POV

"Aaaaand all racers ready?" puro hiyawan ang naririnig sa paligid ng dalawang manlalaro sa anunsyo ng lalaking nasa gitna at may hawak na dalawang panyo.

Sarado na ang lahat na mga daan na pagmamay-ari ng Pandemonium. Alas dose na ng gabi at wala ng nagtatangkang gumala sa daang alam ng lahat ay peligroso kapag ordinaryong tao ka lang.

Sa larong ito, isa sa mga manunuod si Kamatayan. Hinihintay ang susunod nyang susunduin sa mga kamay ng reyna.

"On your right, the challenger! From the perspicacious Shenzhen Underground versus! Our very own! Sexy and smokin' hot! But be careful, gentlemen, because her looks are venomous. The Road Queen!"

Both party's engines roared into life at kasabay nito ang mga sigawan mula sa mga manunuod.

The Queen smiled inside her helmet dahil alam nyang isa lang ang challenger na ito sa mga paastig wannabe.

"Remember, death race only have one rule. And that is no rules! Racers ready!" sigaw ulit nung referee habang itinaas ang dalawang kamay na parehong may hawak ng puting panyo.

"Ready." bigkas nung babaeng manunuod sa kanan.

"Set." sabat naman ng babaeng nasa kaliwa.

"Go!" sabay bitaw nung referee sa dalawang panyong hawak nya.

At sa pagbagsak ng dalawang panyo ay ang sabay na paglipad ng dalawang motor. Humabol ang mga manunuod pero alam nilang hindi nila mahahabol ang ganung kabilis na pagpapatakbo kaya hihintayin na lang nila ang mga kalahok sa finish line.

Alam ng Queen na hindi magtatagal ang karerang ito kung seseryosohin nya agad kaya para magkaroon naman sya ng kaunting libangan, ay hinayaan nyang mauna ang challenger. Sabagay, nakilala sya dahil pinapadusa muna nya ang kalaban bago tuluyang taposin. Like a tigress who plays with her food before she savour its juicy meat.

Malayo-layo na rin ang natakbo nila kaya ito na ang tamang panahon to catch her prey and savour its blood. Kukunin na nya sana ang dalawang kutsilyo na nakakabit sa kanyang mga binti ng makita nyang may dalawang motor ang sumulpot sa parehong gilid nya at ayon sa symbol na nasa harapan ng kanilang mga motor ay taga-Shenzhen din ang mga ito. Ibig sabihin ay mga kasamahan ito ng prey nya.

"Tsk, no rules, ey? Then let me see how you use that rule." agad nyang dinagdagan ang bilis nya pero nakahabol pa rin ang mga kasamahan.

Kinuha nya ang isa sa dalawang baril na nakakabit sa motor nya at itinutok dun sa mga kasamahan pero agad nagkahiwalay ang mga ito at mabilis na nakarating sa parehong gilid nya kaya agad nyang kinuha ang isa pang baril at parehong itinutok ito sa dalawa, trusting her bike to lead her way.

Pinaputukan nya ang mga ito pero agad ding nakaiwas. Sa ngayon ay nasa likuran nya na ulit ang dalawa. Inaamin nyang nahihirapan syang umatake sa likod dahil hindi nya alam kung ano ang pinaplano ng kalaban nya na medyo malayo na sa kanya ngayon.

Her bike is a lot more faster than theirs kaya di muna nya pinansin ang dalawa at buong bilis na hinabol yung kalaban nya na parang sasabog na yung speed-o meter nya. Nakarinig sya ng mga putok sa likuran nya at kahit hindi man nya lingunin ay alam nyang pinapaulanan sya ng mga ito ng mga bala. But her Dodge Tomahawk isn't just an ordinary bike.

She pressed her turbo booster at bumukas ang likuran ng Tomahawk. Nag-automatic switch din ang speed-o meter nya. From an ordinary speed-o meter to a much high technology speed-o meter. Ang speed-o meter na nakikita nya ngayon ay ang speed nya with the turbo booster in use na tanging si Fausto lang ang nakakapag-improvised.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon