CHAPTER 15: THE VANISHED

10.3K 293 7
                                    

Dedicated to: aisfaiblack

***

CZERA POV

Kasalakuyan akong naglalakad at hinahanap ang anino ni Cas habang iniisip kung pano ko sasabihin sa kanya. Ang alam ko kasi kelangan yun ng resignation letter eh. Panu kung tanungin nya ako kung bakit ako aalis?

Kasi Cas hindi ako nararapat maging parte ng DR. Aish. Di pwedi maraming katanungan yung ibabato kung yun ang isasagot ko.

Kasi Cas hindi ko na kaya. Pagod na ako. Argh. Ngayon pa nga nagsisimula ang laban ko mapapagod ako. Lame reason.

Kasi Cas-

"Oh C!" napatalon ako at napatingin sa harapan ko at nakita si Cas sa di kalayuan mula sa akin.

Nilapitan nya ako.

"Something's wrong? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah." Eh? He's talking to me casually.

Ang ibig bang sabihin ay di ako sinumbong ni Aron? Hindi hindi. Imposible yun eh. Baka di pa nya nasasabi?

"C?" tawag nya ulit.

"Ah. Si Aron... did he told you something?" he's 30 pero hindi uso ang po at opo.

"Aron? Wala naman. Though nagkita kami kanina. Bakit?"Umiling ako.

"San po sya nagpunta?" that's strange.

Nagkita sila pero bakit hindi nya sinabi? Pwedi rin namang naisip nya na baka hindi maniwala si Cas sa kanya. But he's the leader and the way he is... siguradong may posibilidad na maniwala si Cas sa kanya but- why didn't he said something?

"Ang sabi nya magpapahangin lang daw sya. Check mo na lang kung nasa van na sya ok? Ang tell them aalis na tayo by 8:30. Kukunin ko muna kasi yung copy ng video mo." sabay kindat sa akin at nagmadali ng umalis.

Pumunta naman agad ako ng van at nakita ko lang dun si Jin na nakikinig ng music at ng tinanong ko kung nasan yung iba, sina Vein, Jun and James ay kumakain daw sa 7/11 na malapit sa lugar habang si Soul naman ay nasa pinakalikuran ng van at mahimbing na natutulog. Nang tinanong ko sya kung nasan si Aron ay nagkibit-balikat lang ito. Hindi pa daw napadaan si Aron sa van.

San naman kaya yun nagpapahangin?

Sinabi ko kay Jin na hahanapin ko lang si Aron. Nang nag-alok syang samahan ako, pinaiwan ko na lang sya in case na dumating si Cas at masabihan na umalis ako. Nasa kay Ren kasi yung phone ko since sya ang nagdadala ng mga gamit at damit ko. Pati ang silahis na yun hindi ko alam kung saan naglalandi.

I've been in this village once and I gotta say napakadelikado ng paligid pag gumagabi na. And I can't imagine a guy like Aron na ang liit ng pasensya and well... may katigasan ng ulo ay maging ligtas sa lugar nato. And this place is starting to give me the creeps now.

Bumalik na lang kaya ako at ipapacontact ko na lang si Aron? I mean... tsk. Hindi naman kaya sila mag-aalala nun? Maybe I just have to let them contact him. Yeah. That.

Pabalik na sana ako ng may nakita akong mga kalalakihan na lumabas mula sa isang bahay. There are 6 of them and by the looks ay parang mga goons. Ok, this is not good. Aron still out there. Malalaman ko naman kasi kung nakabalik na si Aron dahil masasalubong ko sya since iisang daan lang ang andito pabalik sa shooting site.

Malakas na tumatawa ang mga kalalakihan at bigla akong kinabahan.May nakita akong Ducatti na nakapark sa harapan ng bahay na nilabasan ng mga goons.Linapitan ko ito and as I thought. Walang susi. Tiningnan ko muna ang paligid bago ako sumakay sa Ducatti. May kurtina ang bahay at mukhang walang tao dahil wala naman akong nakikitang anino mula sa liwanag na nasa loob.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon