CHAPTER 61: THE EVE

10K 273 150
                                    

Dedicated to: frenchfuckingpotato

***

CZERA POV

Nanlamig ako sa mismong kinatatayuan ko ng unti-unting gumagalaw ang ulo ni Soul. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi. Sinabihan na ako ni Doc Nikki na wag munang lalapit kay Soul for his own good pero gustong-gusto ko na syang mahawakan. I mean, gusto ko lang na bumalik kami sa normal, sa dati. With this right now, pakiramdam ko ang laki at kapal ng pader sa pagitan naming dalawa.

Napalunok ako ng idinilat na nya ang kanyang mga mata. Binasa ko na rin ang nanunuyo kong mga labi. Now, what? Should I call someone?

"Tu...tu..tubig..." mahinang bigkas ni Soul.

"Tubig?" nabigkas ko ulit dahil na rin sa gulat.

Agad ko namang tiningnan ang maliit na table katabi ng higaan nya. May isang pitcher at baso doon. Agad naman akong naglakad ng mabilis papunta sa table. I poured the water into the glass and hesitates as I watch his weak state.

SOUL POV

Hindi ko alam kung mula saan ako nagising. Nagising na lang ako sa puti ng kisame pero sobrang manhid ng mga muscles ko na di ko magawang maigalaw ang kahit isang braso ko. Sobrang tuyo na rin ng aking lalamunan.

"Tu...tu..tubig..." my mouth did it for me.

"Tubig?" a female's voice.

Narinig kong may gumagalaw sa gilid ko pero dahil nangmamanhid pa rin yung katawan ko, di ko magawang lumingon. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi. Takot.

"Magpakalunod ka dyan sa tubig! Pag anak nga naman ng isang masamang damo, antagal ding mamatay! Bakit sa sinapupunan ko pa lumabas ang isang tulad mo na hindi naman kita anak! Ayan, sige! Malunod ka na!"

That terrifying voice...

A cold hand held my shoulder and back pushing me to sit up.

"Tama na... Ayoko na po, mama..." every scenes are playing back in my mind ng sinubukan akong lunurin ni mama sa swimming pool.

"Ha? It's not that. Ito, tubig, uminom ka na."

Naramdaman kong may malamig na bagay at likido ang dumampi sa aking labi.

"Inumin mo lahat ng tubig dyan hanggang sa pumutok yang tyan mo at mamamatay ka na!"

"Ayoko..." isang napakahinang boses lang ang nailabas ko pero pilit pa rin nyang tinutulak ang tubig sa bibig ko.

Bigla akong nahirapang huminga. Ang tubig na pinipilit ipasok sa bibig ko ang dahilan. Ayoko na ng ganitong buhay. Gusto ko ng lumaban. Gusto ko pa syang makita. Yung mga ngiti nya. Gustong-gusto ko na syang lapitan at mahawakan. Gusto kong mahawakan kahit isang beses lang ang mukha nya.

Pinilit kong igalaw lahat ng mga muscles ko sa katawan ng makita ko ang mukha ni Czera sa isipan ko. Kahit na alam nyang hindi ko rin naman sya mapapansin, pilit nya pa rin akong kinakausap na katulad sa iba. She didn't bother to be careful around me katulad ng mga fans ko. She didn't mind opening herself up to me pero ako pa yung nananara ng pinto. I wanted to be like the others who could talk to her without any boundaries.

Tinapik ko ng malakas ang bagay na pinipilit nyang isubo sa akin at nakarinig ako ng pagbasag ng kung ano. Yung kumot na nakapalibot sa akin ay nabasa rin. I turned to her and saw her angry face. Namimilipit sa galit ang mukha nya. Nothing's new. Araw-araw, yang mukhang na yan ang parati kong nakikita. Pero sa araw na ito, sisiguraduhin kong lalaban na ako.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon