CHAPTER 54: THE LOVE SONG

11.2K 282 108
                                    

Dedicated to: _mercenary

***

Pinark ko ng maayos yung van sa pinanggalingan nito at ibinalik sa kinalalagyan yung secret key ni Jin.

Bumalik na ako sa pinagdadaosan ng event at agad akong nadaanan ni Vein.

"Oh, C! San ka nanggaling?" eh sa kalakas naman ng sigaw ng isang to, eh syempre samin na naman nakatuon ang mga lente. Oh well, binabantayan naman talaga ang mga kilos namin dito. Pag may makuha silang machichismisan nila, eh di go. Lalo na dahil sikat nga shipment naming dalawa ng baliw nato.

"Ah-" teka nga muna. Ano sasabihin ko? May bigla akong naalala.

"Si James? Nakita mo ba? Hinahanap ko sya eh." ang naiwan kong misyon kanina.

"Si James? Nasa paligid lang yun. Alam mo naman, mahirap makita yun lalo na pag nagtataasan yung mga nasa paligid nya." tapos tumawa sya ng malakas kasabay nito ang sunod-sunod na mga flashes ng mga cameras. Nako, panigurado, may mahihimatay na naman sa mga CVein kapag nakita nila to sa news.

Nakisabay na rin ako ng konti sa tawa nya at pinitik yung ilong nya. Syempre, kung saan kayo mas sikat, kelangan nyo payabungin yun para mas lalo kayong bumenta.

"Pag marinig yun ni James, lagot ka na naman dun." tas tumawa ako ng mahina.

"Sekreto na lang natin yun. Tara, punta na tayo sa table natin. Andun na kasi yung iba, baka andun na rin yung nuno sa punso." tapos tumawa na naman sya ulit. Nakisabay na rin ako sa kanya. Dun na rin naman plano kong pumunta.

"Grabe ka talaga, ginawa mo na atang hobby ang pambubully kay James. Pati yung bag nya napagtripan mong dalhin dito para itago lang." hindi ako malilimutin lalo na sa mga bagay na pinagdududahan ko kaya baka may makukuha ako dito sa bestfriend nya. Di talaga ako convince na sa kanya ang bag na yun eh. Hindi naman kasi mahilig magdala ng madaming mga gamit si James pag kelangan namin mag-over night o di kaya magtagal sa isang lugar.

"Bag? Aling bag? May bag ba sya?" now this is interesting.

"Yung bag na malaki. Sports bag ata yun eh." come on Vein, spill something interesting for me.

"Aaaahhh... yun. Akala ko aling bag. Ano kasi... uhmmm, wala lang napagtripan ko lang. Binili ko kasi yun para sa kanya para naman hindi na sya parating nakashare sa akin. Actually, madami naman syang mga bag dun sa dorm kaya lang ewan ko, di yata nya nahiligan yung mga plains." bumagsak naman ang balikat ko dun. Really? So kay James pala talaga yun?

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon