CHAPTER 58: THE CHANGE OF SIDE

8.5K 204 46
                                    

Dedicated to: xxInfiresSyubxx

***

I shake the thought of her away para makapagmemorize nitong script na nasa harapan ko ngayon. Mga lima lang kami andito sa loob ng lounge. Yung iba nag-uusap lang. Hindi naman talaga dito matao kaya komportable akong dito magbasa ng script.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ay biglang may box of chocolates ang sumulpot sa table ko. Tiningnan ko kung galing kanino at biglang tumalon yung puso ko.

"Grace! A-anong... ginagawa mo dito?"

"Peace offering. I-I don't want to ruin our friendship... just because of what happened that night. Gusto kitang kausapin pero iniiwasan mo ako. Na-Namimiss ko kasing... kausap ka." sumigaw yata ang puso ko sa huli nyang sinabi kaya hindi kaagad ako nakasagot.

Just when I'm about to answer, bigla na namang sumulpot si mader.

"Son, Director- Is that chocolate?" as she eyed the chocolate on the table.

Halatang nagulat din si Grace sa biglaang pagsulpot ni mommy.

"Y-Yes, madam. Pe-"

"Did you know that my son is allergic to chocolates?" ay lagot na.

"P-Po?" mula kay mommy ay nilipat nya agad sa akin ang kanyang nagtatanong na mga tingin.

"Besides, hindi gawain ng matinong babae ang pagbibigay ng tsokolate sa isang lalaki-"

"Mom, let's talk later. Lika na, Grace." sabay hila ko kay Grace palabas ng lounge dala yung chocolates.

"But son-" di ko na pinakinggan si mommy at dali-daling naglakad palayo sa lounge.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon