CHAPTER 53: THE PERSON BEHIND

9.2K 242 51
                                    

Dedicated to: foreveralone1992

***

Inaamin kong di masukat ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. I don't know what happiness is this. I feel like lahat na dinadala ko sa buong buhay ko bilang idol, sumabay sa paglipad at pagsabog ng mga fireworks sa kalangitan. Tulad ng pakiramdam ko noong nasa tuktok kami ng ferris wheel ni Hope.

Marami na rin palang nangyari sa simpleng buhay ko simula nung pumasok ako sa DR. I've played a game with death nung sinubukan kong iligtas si Aron. Ang unti-unting paglabas ng mga sikreto when I've encountered Knight Rider as I've known that Jun was the next heir of Pandemonium. Parang kelan lang. Parang kelan lang isa lang akong college student dreaming to be a solo artist.

Pero isa pa rin akong manloloko. A liar.

Ang kalaliman ng pag-iisip kong yun ay biglang napawi ng isang malamig na tubig ang nabuhos sa aking balikat.

"Nako! Miss C, hala! Pasensya na po kayo. Di ko po sinasadya. Sorry po. Sorry po talaga. Ah eh, pupunasan ko na lang po kayo." patuloy sa paghingi ng pasensya ang waiter na aksidenteng nabuhusan ako ng tubig na irerefill nya sana.

Andito na kasi kami ngayon sa aming kanya-kanyang table. Yung iba eh nag-ikot-ikot. Meron ding iniinterview. Tanging ang naiwan lang dito sa table namin ay sina Ms. Novie, Cas, Soul, Jin at mga staff that includes Ren and Landon. Nagkakatuwaan naman ang lahat pati si Landon eh parang nakakasabay na rin sa ibang staff.

Dahil sa insidente, naramdaman kong may ibang mga paparazzis and reporters na malapit sa amin at mukhang narinig yata ang waiter ay awtomatikong napalingon ang mga cameras nila sa amin. Haaay nako, ito ang isa sa mga problemang ayaw ko sa showbiz. Lahat na mga galaw mo nababantayan.

"It's okay, I'm fine. Di naman ako nabawian ng buhay eh." pigil ko sa waiter na halos nagkakandarapa na sa pagpunas sa nabasa kong balikat.

"Nako, Ms. C, sorry talaga. Napakatanga ko-"

"Anong nangyayari?" biglang may sumulpot na babae at ayun sa name plate nya, sya ang manager ng catering.

"Maam Nueva-" naputol yung sasabihin ng waiter ng kumunot ang noo ng tinatawag nyang Ms. Nueva.

"Sabi ko na nga ba na mali ang pagdala ko sayo dito eh. Mga baguhan talaga, ang tanga." then it hit me.

"Sorry po, Maam Nueva." nakayuko na yung waiter.

"Uhm, excuse me, Ms.... Nueva? Am I right?" tumayo naman ako at diretsong nakaharap sa manager.

"Ms. C, pasensya na po kayo sa katangahan ng waiter namin, wag po kayong mag-alala, papauwiin ko po sya agad-agad." sagot naman nung Ms. Nueva na may pangiti-ngiti pang nalalaman. Ibinalik ko naman ang ngiti nya but I assured na hindi umabot sa mga mata ko ang ngiti ko.

"I didn't asked for your explaination, Ms. Nueva." may narinig akong napahugot ng hininga sa paligid. Nakita ko rin sina Aron at Hope na napatingin na rin dito.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon