CHAPTER 40: THE KISS

11.5K 305 59
                                    

Dedicated to: TsUmPliKiToP

***

At his back is Fausto looking sorry.

"Do you know you just ruined my date? Ano ba to Czera? Hindi mo naman ako pinapahanap dati ah? Isang buwan, dalawang buwan, pero ito ngayon it's been several weeks pa lang at pinahanap mo na ako?!" bakit ganito magalit ang Ren nato? Ruined his date?

Ano to? Importante na yung date nya kesa kaibigan nya? But above all, bakit sobrang magalit to? What is it with his date na ganito sya magalit? Nagseseryoso na ba sya sa babae nya? Or it's something else? He really does change. Bakit? It's been 19 years, ngayon lang sya naging ganito. Kahit kelan hindi nya ako pinagtaasan ng boses. He's always been gentle to me.

"Ano bang pinuputok ng bochi mo dyan Katricio? Di porke't pinahanap lang kita, pinagtataasan mo na ako ng boses? Sino ba yang ka-date mo at mukhang importante pa yan kesa sakin? Isang beses lang kitang pinapahanap tagos bubong na yang galit mo. Kung sinasagot mo sana yung mga tawag ko at di nakapatay yang phone mo, eh di sana di na ako umabot sa pagpapahanap sayo! Di ka man lang nagcall o nagtext back."

Nakatayo na ako sa mismong harapan nya hawak-hawak ang music sheet.

"Well, I lost my phone, damn it!" napakuyom ako ng kamao.

This is not my bestfriend.

May luha na sa gilid ng kaliwang mata ko. Hindi ko mapigilang maging emosyanal dahil yung kaibigan ko ay naging ibang tao na.

"Well, I just want to tell you that the Director's been looking for you dahil hindi ka na pumapasok habang araw-araw nya akong nakikita. Just so you know, I told him you're in a seminar exclusive for make-up artists and personal assistants for a week. So kung nakikipagdate ka lang naman pala, siguraduhin mong hindi lalagpas yan ng isang linggo. I don't want to deal with another sh***t anymore. And I'm sorry I didn't know you lost your phone. You don't have to shout on my face." at nilagpasan na sya.

"Czera, I'm sorry..." di ko na sya pinansin.

I'm too fed up sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko. Pagod na nga ako di ba?

For 19 years, ito ang kauna-unahang pag-aaway namin. Not to mention sa sitwasyon kung kelan kelangang-kelangan ko sya. Maybe for now, hindi ko muna sya maiimbestigahan tungkol sa mga matches nya kay Knight Rider. Uunahin ko muna si Bryne, which may conflict din sa pagitan namin.

Mga alas-dyes dumating na ang iba. Sinabi nila sa amin ni Jun ang mga plano sa magiging performance namin sa highlight ng Christmas Olympic. Dahil sasalubungin namin ang pasko, Christmas song din ang kakantahin namin which will be composed by Soul.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon