CHAPTER 38: THE FACE OFF

13.4K 315 47
                                    

Dedicated to: elahzyyy

***

Sinundo ako ni Jun sa huli kong subject. Dahil alam na ng lahat na girlfriend nya ako, hindi na namin kelangang itago na close kami. At yung mga barkada ko? Ayun, di makapaniwala. Nagpustahan pa pala sila na yung pagsama-sama ni Jun sa akin ay mauuwi din sa ligawan at pagkatapos ng ligawan, sino naman daw na babae ang hindi mapapa-oo kay Jun?

"Jun mauna ka ng umuwi. Pupuntahan ko muna si Misha sa Skulls Pit. Gusto kong malaman ang tungkol sa pagkamatay ni Blake. Di talaga ako kumbensido na magagawa nya yun eh." sabi ko kay Jun habang kami lang dalawa ang naglalakad palabas ng university. Tsk, asan na kasi ang Ren na yun? Mukhang nilulubos nya yung permit ng skwelahan sa kanya ah.

At ako pa tong celebrity dito ha. Ako pa tong pumapasok.

"Sasama ako." sagot nya.

"Jun, kung sasama ka, magdududa yung iba. Di naman ako magtatagal dun eh. Tsaka sasabihin ko rin sayo mamaya." di na sumagot si Jun at sinamahan ko na lang sya sa parking lot kung saan naghihintay ang sundo namin. Andun din kasi ang motor na ginamit namin kanina.

Pero ng binuksan na ni Jun yung pintuan ng van, "Czeraaaaaa-"

Agad din sinarado ni Jun yung pintuan ng makita naming nasa loob ang anim at ang manager namin, dagdag pa ang Vein na bigla-bigla na lang sumisigaw.

Napahawak si Jun sa sentido nya.

"Sabihin mo sa akin na nagmamalik-mata lang ako."

"Sa tingin ko hindi eh. Kasi nakita ko rin sila." nakangiti kong sagot.

Binuksan nya ulit ang pinto and this time nakangiti silang lahat sa amin pati si Cas napakamot na lang ng ulo.

"Pasensya na po kayo Miss Czera, nagpupumilit po kasi silang sumama." si Fausto na nagsabi.

"Anong ginagawa nyo dito? Baka may makakilala sa inyo?" nakadisguise naman sila pero mahirap na at baka may makakita sa kanila dito at mapagdudahan.

"Ano pasok ba kayo?" excited na tanong ni Vein.

"Gusto kasi naming malaman kung nakuha ninyo yung vocal duet." si Jin na ang nagpaliwanag ng mahinahun at kasabay nito ang biglang pagdilim ng paligid ni Jun at ang pagpasok nya sa van.

Bitter pa din kasi dahil hindi sya yung napiling kaduet ko.

"A-actually ako lang yung napasok eh. Iba yung magiging kapareha ko." natahimik sila sandali tsaka dinamayan si Jun na nagmumukmok sa isang sulok ng sasakyan. Hinahagod-hagod at tinatapik-tapik ng iba ang likod at balikat nya.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon