CHAPTER 76: THE RELEASE

1.2K 33 10
                                    

Dedicated to: Hariko_Yakimura

***

JAMES POV

Alas tres na ng madaling araw wala pa din si Czera. Sabi ni Jin kasama nila ngayon si Czera na magbabantay sa akin. Pinadalhan nya lang kami ng dinner pero anong oras na wala pa din sya. Nakakain na kaya sya? Ilang araw na din nakalipas simula ng magising ako pero hindi ko pa din sya nakikita. Sabi nila nagpapalitan sila ng pagbabantay sa akin kabilang na si Czera pero tulog na daw ko pag dumadating sya. Kaya ngayon napagdesisyonan ko na talaga na hintayin sya.

Sinulyapan ko sina Jin at Vein. Mahimbing na sila ngayong natutulog. Pinipilit nila ako kanina na matulog na kaya nagtulug-tulugan na lang ako. Tinalikuran ko lang sila at nanatiling dilat, naghihintay kung kelan sila makakatulog. Tiniis ko lang panoorin ang paulit ulit na pagwawagayway ng kurtina sanhi ng hangin mula sa aircon. Nang maramdaman kong bumibigat na ang talukap ng mga mata ko, nagkunware akong nagtalukbong ng kumot. Para kasing nahihypnotize ako ng kurtina kaya tinabunan ko nalang ang paningin ko ng kumot. Inakala pa ni Jin na giniginaw ako kaya binabaan nya yung temperature ng aircon. Buti na lang  di nagtagal ay nakatulog na din sila pareho.

Nilipat ko ang paningin ko sa pagkaing iniwan namin para kay Czera. Panigurado sobrang lamig na nyan. Isang buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago dahan-dahang ibinangon ang sarili ko para makaupo. Nakaramdam naman ako ng kirot sa paa ko. Takte naman, ang hirap ng buhay na walang paa.

Tapos naalala ko si mama. Ganito ba ang nararamdaman nya sa araw-araw simula nang pinutol ang paa nya?
Nasa ganun akong kalagayan ng dahang-dahang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Czera. Napangiti naman ako ng sa wakas ay makita sya pero gulat naman ang nakikita ko sa kanya.

"B-Bat gising ka pa?" parang naistatwa sya sa may labas lang ng pinto na para bang nagdadalawang isip kung papasok ba sya.

"Bat hindi ka muna pumasok? Baka lumabas yung aircon." medyo natatawa ako sa huli kong sinabi pero binigyan ko na lang sya ng simpleng ngiti para makita nya ang kasiyahan ko na nakita ko na sya sa wakas.

Makikita pa din sakanya ang pag-aalangang pumasok pero pumasok pa din naman sya at tumayo lang dun sa nakasarado nang pinto.

"Inantay kita. Di pa kasi kita nakikita simula nang magising ako. Ang sabi naman nila Jin na nag-ggraveyard shift ka sa pagbabantay sa akin, kaya hinintay talaga kita ngayon." this time I gave her a wide smile na pati mata ko ay pinangiti ko din sakanya.

Nakita kong unti-unting lumambot ang mukha nya. Mabuti naman. Inaamin kong simula nang pagpasok nya sa kwarto ay parang ibang Czera na ang kaharap ko. Pero nang makita kong bumabalik na yung mukha nyang kalmado, parang nawala yung bigat na nararamdaman ko.

Sobrang hirap basahin ni Czera simula pa nung una namin syang nakilala dahil laging kalmado lang yung mukha nya na para bang sinasabi nya sa amin na wala kami dapat ipag-alala sakanya dahil kaya nya ang sarili nya, na kaya nyang mabuhay mag-isa. Pero pagkatapos nang lahat ng napagdaan naming lahat na magkakasama, kahit na nanatiling kalmado ang ekspresyon nya, kahit papaano ay nalalaman na namin ang paraan ng pag-iisip nya.

Tinignan nya yung pagkaing natira na nasa bedside table ko.

"Tinira namin para sayo. Anong oras na, nakakain ka na ba? Panigurado nanlamig na yan, pero hindi naman namin yan ginalaw kaya hindi pa naman siguro yan mapapanis. May microwave-"

"James." natigil ako sa pagsasalita nang tinawag nya ako sa pangalan ko na maawtoridad.

"B-Bakit?" nauutal kong tugon. Nakita kong bumuntong hininga sya.

"Hindi ka pa ba natulog?" balik-tanong nya.

Napalunok naman ako ng makitang medyo magkasalubong na yung kilay nya.

"H-Hinintay kita pero i-ilang araw na din naman akong tulog kaya. . ." pag ganyan na talaga ang tono nya, nakakakaba na yun para sa amin.

Nagbuntong hininga ulit sya at naglakad palapit sa akin tsaka umupo sa side chair na nasa gilid ko at katabi ng bedside table. Sinigurado nyang tahimik lang ang mga galaw nya. Tinignan nya muna si Jin na natutulog sa isang wingback chair at si Vein na natutulog sa sofa bago dumapo ulit ang tingin nya sa akin.

"Hindi porke't ilang araw kang walang malay doesn't mean babawiin mo naman sa pagpupuyat. Kelangan mo pa din ng tamang tulog para makatulong sa paggaling mo." napangiti naman ako dun. Ang sarap palang may nag-aalala din para sayo. Halos lunurin ko na din kasi sarili ko sa trabaho kaya di ko masyadong napapansin ang iniisip ng iba.

Inabot ko ang kanyang malamig na kamay at hinawakan ito. May halong gulat at pagtataka naman ang nakikita ko sa mukha nya kaya nginitian ko sya.

"Nalaman kong pumunta pala kayo sa bahay sa pamumuno mo." natawa ako ng mahina. Ayoko din naman kasi magising yung dalawa. Gusto ko din kasing makausap si Czera na mag-isa.

"Pasensya na sa bahay ha. Ilang beses na din namin gustong iparenovate ang bahay eh, kaso mas inuuna lang namin ang mga gastusin para kay mama. Lam mo na, baka mashort. Nakadepende pa naman tayo sa budget ng mga programa at kung ano ang mapasukan natin dito para kumita." pagpapatuloy ko.

"Sa katunayan nyan, halos lahat na nangyari kanina naikwento nila sa akin. Laking gulat ko pa naman nang makita mga kapatid ko dito, yun pala ikaw yung dahilan. Kaya inantay kita para pasalamatan." tiningnan ko muna sya maigi sa mga mata nya.

"Salamat, Czera." matagal muna kaming nagtitigan bago nya inalis ang tingin at kamay nya.

"I just thought that you still have your family. Alam kong lahat na ginagawa mong to ay para sa pamilya mo, but what I see is parang nakakalimutan mo na na may role pa din pamilya mo sa buhay mo. Kaya naisip ko na may karapatan din silang malaman kung ano man ang nangyayari sayo." paliwanag nya na di makatingin sa akin. Kung ano man yung nakita ko sa mga mata nya kanina ay naglaho na lamang ang mga ito at pinalitan ng sakit. At gaya nga ng sinabi ko, sa tagal na naming magkasama ay nakikilala ko na sya kahit sa likod ng kalmado nyang balat-kayo.

"Kung ganun, alam na nila kung bakit nangyari sa akin ito?" ngayon napalitan na naman ng gulat ang mga mata nya pero andun pa din yung sakit.

"Czera, kung sasabihin mo man sakanila, sana wag mong sisihin sarili mo." this time, napatingin na sya sa akin with the same eyes.

Nginitian ko sya bago ako nagpatuloy.

"Alam kong sinisisi mo sarili mo dahil sa nangyari sa akin. Pero Czera, hindi mo to kasalanan, wala kang kasalanan. Ginusto ko to, ginusto kong iligtas ka. Dahil kung pinabayaan kita at tuluyan kang nahulog sa bangin na yun, mas matinding pagsisisi ang mararamdaman ko kapag may nangyari masama sayo na wala man lang akong ginawa. Siguro naman kahit sino ay gagawin din yun, maski ikaw, di ba? Kung ako yung malalaglag, sasagipin mo ba ko? Kapag ba mahulog ako, sasaluhin mo ba ako?" tahimik kaming nakatingin sa isa't-isa.

Sya ulit ang pumutol ng titigan namin at napayuko.

"I'm sorry, James." napangiti ako. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong nakaramdam ng kirot sa bandang dibdib ko. Di pa nga nakapangligaw, rejected na.

"I probably would do the same, pero hindi ko pa din maalis sa sarili ko ang pagsisisi. Tama ka sa sinabi mo nun. Kung hindi ko lang talaga hinabol ang taong yun, none of this would ever happen." ginulo ko ang buhok nya at nginitian sya. Sino pa naman ako para sa isang babaeng tulad mo? Ano nga naman parte ko sa buhay mo?

"Gagaling din to Czera, wag ka nang mag-aalala dyan. Masaya na ko makitang ligtas ka." natahimik na sya pagkatapos kong sabihin yun pero ramdam ko na may gusto pa syang sabihin kahit na nakayuko sya.

"I'll never forgive myself if you can't dance ever again." tumingin na sya sa akin pero makikitang may mga luhang nagbabadya nang tumulo sa kanyang mga mata.

Yun lang siguro ang balitang hindi ko pa masyadong naaabsorb sa sarili ko. Ang sabi sa akin, mga ilang bwan ang kelangan bago tuluyang gumaling ang paa ko dahil sa impeksyon. Pero kung gumaling man, wala nang kasiguraduhan kung makakasayaw pa ko ulit.

Mabigat sa dibdib nang malaman ko na maaaring mawala ang pagsasayaw sa akin. Pero ito ako ngayon nakatitig sa naging kapalit ng ginawa kong desisyon. May mga bagay talagang kahit mawala man yung bumubuo ng pagkatao mo, naisasawalang-bahala mo dahil sa isang taong impossible namang bubuo sayo.

"Hindi naman nila sinabing hindi na ako makakasayaw. Sunod sunod lang sa mga sinasabi ng mga doktor at tiwala na makakasayaw ako ulit, makakasayaw ako ulit." kahit na sinigurado ko na yun sakanya, hindi pa din nawala ang lungkot sa mga mata nya.

"Kung hindi lang ako tanga. . . wala nga talagang pagsisisi na nauuna." alam ko na kahit anong sabihin ko, hindi ko na maaalis sa kanya ang pagsisisi.

"Kung ganun. . .may hihilingin ako sayo." selfish na kung selfish. Alam kong pangit pakinggan ito ngayon sa sitwasyon na naroroon sya, lalo na dahil sinabi kong wala syang kasalanan at wala sya dapat pagsisisihan, pero naisip ko na atleast may maibigay ako na kakain sa pagsisisi nya.

"Ano yun? Kung kaya lang naman ng katawang tao ko, gagawin ko." muli ay nakita ko ang kinang sa kanyang mga mata ngunit hindi ko pa din maipalabas ang ngiti nya.

"Be my personal nurse. Alagaan mo ko hanggang sa makasayaw ulit ako. Pagbibigyan mo ba ang kahilingan kong yun?" kahit na hindi ako sigurado kung tama ba ang sinabi kong to sa kanya, sumilay pa din ang maliit na ngiti sa labi ko.

At yung bagay na hinahanap ko sakanya ay nasilayan ko na sa wakas sa kanyang labi.

"Yun lang ba? Wala nang dagdag?" mapaglaro nyang panghahamon.

Ngumiti ako at sumagot ng, "Sapat na yun."

CZERA POV

Since that day, I have pledged na aalagaan at aalagaan at aalagaan ko si James hanggang sa makabalik ulit sya sa kaharian nya— ang dancefloor. All those efforts to avoid him, I'm thankful na hindi na yun nagtuluy-tuloy, kung hindi baka dumagdag pa yun sa mga bagay na habang-buhay ko pagsisihan. After hearing his side that day, parang gusto ko na lang sapakin ang sarili ko sa katangahan ko.

It's now 8am and I'm going back from the hospital's cafetaria to James' room. I bought breakfast for the rest of us kasi ididischarge na ngayong araw na ito si James kaya it's really a relief and an excitement for us. Even if the others were getting busy with all the practices and other preparations for the upcoming comeback concert, nilibre nila ang araw na ito to be with James. Jin volunteered to fetch two of James' siblings since kelangan pa din ng isa na maiwan para sa mama nila. So here I am, decided to buy them foods para may magawa din. Ewan ko lang pero Vein is with us and the room is kinda heavy to breath kaya napagdesisyunan kong lumabas. As for the movie shoot, I'll be back on track tomorrow since medyo settled na ang mga kelangang isettled. Nakakahiya na kasi kung mas magtatagal pa ko sa pagpapahinga kung kaya ko naman na. Imagine, pinagpaliban muna nila yung mga scenes na kasama ako. And I tell you, medyo madami-dami pa mga yun since I'm one of the semi-protagonists. At hindi lang yun, since James cannot take the role anymore, they have to revise the script. Kaya nahihiya na ako sa abalang ito. Kabago-bago ko sa trabahong ito, nakaabala na.

"Kung hindi mo kaya, kung hindi mo mapanindigan ng maayos, pwes don't run around saying the same sh***t all the time. Kinain mo lang ang tanging nag-iisang bagay na ipinangako mo sa sarili mo, Veinscent." I stopped right infront of James' room nang bigla kong narinig yun. Are they fighting? Base kasi sa tuno ni James ay mukhang galit ito.

Come to think of it. These past few days, he's been calling Vein by his full name at hindi ko na rin sya nakikitang nakikipagkulitan kay Vein. More like he's being distant to his bestfriend. May problema kaya?

"Pasensya na, but this time, you're all on your own." what? Ano ba problema? Why would James go that far? Bestfriend nya yan eh.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon