CHAPTER 23: THE LAST GOODBYE

10.7K 298 20
                                    

Dedicated to: Ren_Machiko

***

Walang mga tao ang loob ng bahay or shall I say, wala talagang mga tao dito sa dinadaanan namin kasi nga kelangan nya akong itago mula sa mga mata ng mga bisita kundi malaking chismis talaga ang mangyayari hindi bilang C at Landon kundi bilang Czera at Landon.

Dinala nya ako sa isang canopy tent kung saan sa loob nandun na ang grupo at naghahanda. Nakita ako ni Pat kaya nilapitan nya agad ako.

"Czera... uhmmm, si Ren?" binulong nya yung tanong nya. I can see worry from her eyes habang patagong tinitingnan si Landon.

Naikwento na rin kasi ni Ren sa kanya ang tungkol sa amin ni Landon. Napakachismosa talaga nun. Pero ok lang, kaibigan na rin kasi ang tingin ko kay Pat kaya she deserves to know. Tsaka it's not a big deal naman. I don't intend in hiding it kahit katangahan ko pa yun. I just have to move on and by that, I need to let go of everything.

"Nahuli ng mga kaibigan namin sa school eh kaya ikaw muna bahala sa akin ngayon Pat ha." I smiled and so does she.

"Eh di halika na at aayosan na kita." agad akong hinila ni Pat.

Bumati yung iba kay Landon pero di rin sya nagtagal dahil kelangan nya na daw puntahan si Melian.

So far, wala namang nakakahalata sa grupo na medyo awkward kami ni Landon pwera na lang kay Aron na kung minsan ay nahuhuli kong nakatingin sa akin. Pero hindi ko pa rin magawang makipagplastikan sa kanya sa kabila ng ginawa nya doon sa dorm.

I promised myself na hindi ako susuko sa DR kahit ano pa ang itapon ni Aron sa akin. But weird though. He said something about me that I should not quit pero sa ginawa nya parang ginagalit pa nya ako causing me the possibility to quit.

Inayosan ako ni Pat just like how Ren does to me. Simple but intimidating. Matalino si Pat kaya madali nyang nakukuha ang estilo ni Ren.

Kahit birthday itong pinuntahan namin, naka-black kaming lahat. I wore a black leather tube and black leather microskirt and pair it with a pair of black leather leg boots.

By eight ay nagsimula na kami.

Ayon sa plano, diretso kami sa performance namin. Kaya pagpatak na pagpatak ng alas otso, after dinner ng lahat, ay agad na naming ginulo ang mini stage.

Lahat na mga tao ng party ay makikitang gulat na gulat sa biglaang sulpot namin.

Ito kami, singing and dancing our hearts out while our audiences are singing along with us.

Then there I saw them.

Habang walang tigil ang pagtili ni Melian, nakaakbay naman si Landon sa kanya habang nakangiti.

Bakit ganun? Dati di naman nya ako pinapayagang magkakaganyan ah. He will always told me to behave.

We performed 3 songs dahil panay request ang mga audience na isa pa. We intended to have 3 songs din naman dahil inaasahan na naming hihingi pa sila ng isa pa.

Nang matapos na kami, as the hostess of the night, binati ko na ang celebrant.

"Everybody! Let's sing happy birthday for Melian!" on my cue, sabay-sabay kaming kumanta ng happy birthday.

"Happy birthday Melian! We were so happy to celebrate your birthday with you kaya ang swerte mo sa boyfriend mong bumayad ng malaking halaga para lang masurpresa ka ng ganito! And I can see na hindi lang ang birthday celebrant natin ang na-surprise but also ang lahat na andito ngayong gabi!"

"WHOOOOOOOOO!!!!" walang tigil ang mga hiyawan sa paligid.

"Ok ok! Calm down guys! Let's call on Ms. Melian on stage!" sa pagtawag ko ay agad syang tumakbo papunta sa akin and hug me.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon