CHAPTER 27: THE WILL OF HEART

11.5K 306 13
                                    

Dedicated to: nicolebosquillos

***

"What the? Estrellita? Misha got it? Misha." di masisisi ang accent ng babaeng to, kelan pa kaya to bumalik ng pinas?

"Whatever. By the way, look at you. You look so hardcore. Nakapag-Vancouver ka lang, ganyan ka na mamorma Estrellita. Kelan ka pa bumalik?" pang-iinis ko pa lalo.

She's an old frienemy pero naging friend ko na rin kalaunan. Di pa rin sya nagbabago. Ayaw nya pa rin marinig ang tunay nyang pangalan.

"Oh cmon Vervain, Misha I say. Just a week ago. Last month pa dapat ako uuwi ng pinas kaya lang some organization tried blocking my flight kaya natagalan pa ako bago kita pagalitan."

"Pagalitan? For what?"

"For quitting Czera."

Natahimik ang paligid. Umabot na rin pala sa kanya kahit nasa malayo sya ang balita.

"Ahem. Uhhmm, sorry to interrupt your little reunion ok, but Czera dear, 5 o clock na." putol ni Ren sa katahimikan.

Tiningnan sya ni Misha tapos balik sa akin.

"You're going somewhere?" tanong nya.

"Yeah. Si Ren nga pala, yung bestfriend ko, and Ren, si Estrellita, yung babaeng palagi akong hinahamon dati." pakilala ko sa kanilang dalawa.

Inaabot ni Misha ang kamay nya na syang tinanggap naman ni Ren.

"It's nice to finally meet you Ren. Just call me Misha. I heard a lot about you from Czera during the old times."

"Really? Same as you. Naikwento nya rin ang tungkol sa babaeng hindi tumitigil sa panghahamon sa kanya until one day pinagbigyan nya and unfortunately you lose."

"Yeah right, unfortunately. But I plan to challenge her again when I get back but well, I heard the news about her quitting kaya medyo naiinis ako." tumingin sya ulit sa akin.

"Everything happened for a reason Misha." sagot ko not meeting her gaze na alam ko ay nakapako sa akin.

"Yeah, and I want to know that reason soon. Nakakawalang-gana kasi kapag yung paborito mong kalaban ay wala na. Well, san ba kayo papunta? Hatid ko na kayo." alok nya.

Kasya naman kaming tatlo sa upgraded Neiman Marcus nya. Mahaba kasi itong klase ng motor at pinataasan lang ang bandang likod nito.

"Di na kela-"

"Really? Nako, pwedi ba? Kasi mali-late na kami sa appointment namin eh. 5:30 kasi yung nakaschedule sa amin, eh medyo malayo pa yun mula dito dagdag pa yung traffic." pinutol ako ng walang hiyang dinosaur nato upang tanggapin lang ang alok ni Misha.

"Yun naman pala eh. Hop on." umangkas naman agad si Ren leaving a space between him and Misha.

"Mag-iinarte ka pa bang bruha ka?" ano pa nga ba ang magagawa ko kung ganyan na ang tono ng bestfriend ko? Parang sya lang yung kailangan dun eh noh?

Umangkas na rin ako sa gitna nila at binigyan nya kami pareho ni Ren ng tig-iisang helmet as her Neiman Marcus rolled to life.

"Lakas meyn. Limited edition lang to di ba?" pagkamangha ko sa motor nya.

"Yes it is. Inggit ka noh? Oh san tayo?" tanong nya na may halong pang-iinis.

"BTE Entertainment building." sagot ni Ren.

"BTE? Di ba artist center yun? May plano ka bang mag-artista?" biglang tanong ni Misha ng napatakbo na nya ang motor.

"Ha? Eh, hi-hindi. Ano uhhmm, may kukunin lang akong survey dun. School work. Binigay ko kasi sa isang employee dun kaya kelangan namin maabotan sya before 5:30. Yun kasi ang oras ng out nya." kinakabahan kong palusot.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon