CHAPTER 48: THE FIRST ROUND

9.5K 247 57
                                    

Dedicated to: CharlieXXPuth

***

"This is the day! The day everybody is excited for! The 13th! Christmas Olympics 2015!" kahit nasa open grounds ang buong event, dinig pa rin ang pagsabog ng mga hiyawan sa paligid.

"Owraaaayt! Now, now, everybody please calm down para makapagsimula na tayo." ganun din ang pagsunod ng mga tao.

Dahil nasa swimming ako naka-assign, andito na ako sa may dalampasigan kasama si Jin my labs ko. Sina Cas at Soul kasi andun kina James and Jun habang si Hope naman ang nagchecheck kay Vein. Si Aron ay kasama ang iba pang mga leaders sa isang table upang maging bantay ng laro. Sa isang malaking tv screen na sing laki ng billboard nila papanoorin ang mga laro namin. Makikita sa buong resort ang malaking tv screen kaya lahat makakapanuod sa mangyayari sa laro.

"Wag na nating patagilin ito! Simulan na natin ang laro!" at isa-isa ng pinakilala ng host ang bawat manlalaro ng bawat grupo na kasali.

Nang tinawag na ang KT, narinig kong kasali si Ranchee at ng itinutok na ang camera sa kanya, nasa unang dash na sya nakapwesto. Bawat pagpapakilala kasi ay tinututukan ng camera kaya alam ko rin kung sinu-sino ang magiging mga kalaban ko.

Sa pagtawag na sa aming grupo ay maririnig ang iilang sigawan lalo na't sinabi ng host na nasa first meter swim ako.

Pagkatapos ng pagpapakilala ay hindi na masyadong nagtagal ang host at sinimulan na ang laro.

Si Jun ang nasa first meter dash kaya sa kanya nakasalalay ang simula ng laro. Nakatutok na rin ang camera sa kanila at di maiwasan ng mga mata ko ang mapasulyap sa pwesto ni Ranchee at kagaya ni Jun, ay mukhang ayaw nya ring magpatalo sa simula ng laro.

"On your marks! Ready! Set! GO!" sabay sa putok ang sabay-sabay din nilang pagtakbo at ang mga sigawan ng mga manunuod.

Makikitang halos lahat sila ay mabibilis tumakbo pero sadyang mas mabilis lang talaga ang dalawa kung saan naka-focus lamang ang camera.

"Ito na nga ba, mga kaibigan, ang sagupaan ng Dark Rebels at Kuro Tenshi! Halos magkasabay lang po ang dalawa, mga kaibigan. Hindi po namin alam kung sino ang mauuna sa dalawang manglalarong ito, mga kaibigan! Sino kaya sa dalawang ito ang mauuna?" sigaw ng host habang nilalarawan nito ang labanan nina Jun at Ranchee.

Malapit na ang dalawa sa ikalawang metro at sa di inaasahan ay biglang nanguna si Jun. Jun's the type who really hates to lose kaya alam kong malaking pwersa ang ginamit nya para lumamang kay Ranchee. Isinigaw din ng host ang biglang pangunguna ni Jun.

Makikita na rin si James sa screen na naghihintay na maiabot ni Jun ang baton sa kanya at wala pang limang segundo ay naipasa na ni Jun kay James ang baton na agad din naman itinakbo ni James.

"Mga kaibigan! Dahil sa pagpursigi ni Jun na maunahan si Ranchee ng Kuro Tenshi ay nangunguna na ngayon ang Dark Rebels! Mapapanatili ba ni James ang pangunguna ng kanilang grupo?"

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon