CHAPTER 69: THE WRATH AND REGRET

2.5K 80 13
                                    

Dedicated to: Deeillegirl97

***

Get a hold of yourself, Czera. Wag ka munang magpanic. Hindi uso sayo ang magpanic.

Itinapat ko ang kamay ko malapit sa ilong nya para pakiramdaman at masiguradong normal pa ang paghinga nya. Humihinga pa naman sya kaso mabagal at mahina. Now, I need to think fast kung panu ko ihahandle to.

Linibot ko ang paningin ko sa paligid.

Una, dapat mailayo ko sya sa pwesto nya dito dahil nasasalo ng katawan nya ang malamig na hangin sa labas. Nakapwesto kasi sya sa may pintuan at sa taas nya ang sirang bintana. I eyed the place where I sat awhile ago. May plywood din sa malapit. Hindi buo pero pwedi na para higaan ng likod ni James. Dahan-dahan ay pinaakbay ko sya sa akin. Narinig ko syang napaungol ng mahina.

"Lipat lang tayo ah. Stay with me." wala akong nakuhang sagot sakanya pero patuloy ko pa rin syang hinila patayo. Sh*t, ambigat nya para sa maliit nyang katawan.

Kaya mo to, Czera. You both need to survive this.

Iniba ko posisyon namin. Sinubukan ko syang isampa sa likod ko. Making it look like i-ppiggyback ride ko sya from sitting position. I wrapped his arms around my neck. Oo, halos magkasing-tangkad lang kami pero dahil may muscle mass sya, mas mabigat sya kesa sakin. Bahala nato. I heaved a deep breath at bumwelo na patayo.

Nang makatayo na ako with him on my back, dahan-dahan ko syang hinila papunta sa pinuwestohan ko kanina.

Biglang napatayo ang mga balahibo ko sa batok ng huminga sya ng malalim. Sobrang init ng hininga nya sa malamig at basa kong batok. Focus, Czera. Focus ka lang.

Naabot namin ang kabilang side kung saan ako nakaupo kanina. Pabigat sya ng pabigat habang hila-hila ko sya kaya kahit na may malamig na hangin ang dumadampi sa akin, nagsisimula na akong pagpawisan ng konti. Patuloy pa rin bumabaga ang apoy na ginawa namin kaya medyo nakikita ko pa ang paligid namin para maiayos ng higa si James at mainitan man lang sya.

I try to reach the plywood pero di ito abot ng kamay ko with James on my back kaya dahan-dahan ay inupo ko muna sya ng maayos. Pinuwesto ko ang plywood di kalayuan sa apoy. Tamang lapit lang na di maaabot ng ember ang katawan ni James. Kelangang-kelangan na nya talaga ng init. I don't know if it's my eyes pero parang nangingitim na ang kaninang mapuputlang labi ni James.

Sh*t, anong oras na ba? Ilang oras pa ba aantayin namin para mag-umaga at makahanap man lang ng tulong? Pero hinihiling ko lang na sana ang tulong ang makahanap sa amin. Hindi ko maaaring iwanan si James na ganito kondisyon nya.

Habang dahan-dahan ko syang hinihiga, nararamdaman kong nagsisimula ng manginig ang katawan nya ng bongga. Kombulsyon? Hindi. Hindi maaari.

Again, the panic starts to boil within me. But I don't want it to eat me. Kung hahayaan kong kainin ako ng panic, baka mas lumalala pa sitwasyon namin at matuluyan na talaga si James. What to do? Hindi pa ba sapat ang init ng apoy? May mga naiwang damit pa ba dito? Kung sakali mang meron, ang tanong, tuyo ba?

Nilibot ko ulit tingin ko, nagbabasakaling makakita ng tuyong damit but who am I kidding?

Think more, Czera. What's the other source of heat?

Heat?

Pinasadahan ko ng tingin ang basang-basa pa rin nyang t-shirt. Swallowed and blinked a few times. I've read about human heat somewhere before na nakakatulong din ito sakaling matrap kayo sa isang malamig na lugar. Napatingin ako sa paligid while thinking kung nasa malamig na lugar ba kami while unconsciously gripping my own t-shirt.

Well, it's not just the place. Mas importante pa ang kalagayan ni James ngayon. Ang katawan nya ang nanlalamig ngayon at mukhang bawat segundo pataas ng pataas ang lagnat nya. One last swallowed before I placed myself closer to him. Hinawakan ang laylayan ng kanyang damit at napapikit.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon