CHAPTER 34: THE RETURN

10.6K 302 27
                                    

Dedicated to: Dhenniesaur

***

THIRD PERSON POV

20 minutes lang ay narating na ni Czera ang Skulls Pit sakay ng Yamaha YZF R1 nya at suot-suot ang helmet na tanging The Queen lamang ay may nakaukit na korona sa noo ng helmet.

Tumahimik ang lahat ng naroroon ng pumasok na sya sa Skulls Pit. Lahat na nag-aaway, nag-iinuman at naglalakad sa loob ay biglang napatigil sa mga ginagawa nila habang nakatitig sa pumapasok na Czera. Humawi ang mga nakaharang sa daan ni Czera at dinig na dinig ang kanilang mga bulungan.

"Ang Queen, bumalik na pala sya."

"Kelan pa? Wala akong narinig na bumalik na yan."

"Ngayon lang natin nakita yan ulit mga pre. Dito pa sa Skulls Pit."

"Lilipat na siguro. Heh, napagsawaan na yata ang Pandemonium. Ayos!"

"Teka, ano yung dala nya?"

Napa-smirk na lang si Czera sa mga naririnig nya. Halos lahat ay takot na banggain sya. Ang pagkakilala kasi ng mga ito sa kinikilala nilang Queen ay isang babaeng brutal, walang awa at hindi nagpapatumpik-tumpik na talunin ang kalaban.

Hindi lang sa drag racing umaangat ang titulo ni Czera kundi pati na rin sa Death Race na ginaganap sa ibang bansa. Hindi man nya tuluyang pinapatay ang mga bumabangga sa kanya, binubuhay naman nya ito sa sakit at pagdudusa sa mga natatamong mga sugat ng mga ito.

Pero hindi ang mga papuri nila ang pinunta nya dito kundi si Blake Demonteverde na nagtatago sa silid nya na nasa likuran ng bar stool ng Skulls Pit kung saan nya ginagawa ang kanyang mga transaksyon dahil nasira na nila ang rest house nito na nasa likod ng Skulls Pit noong una nilang pagsundo kay Jun.

"One shot of Destiny." sabay upo sa upuang binakantehan ng isang lalaki ng makita syang papunta rito.

Natigilan naman sandali ang bartender ng makalingon na ito sa kung sinong umorder. Napatingin pa ito sa korona sa noo ng helmet.

Agad syang nagtimpla ng Destiny at pinadulas papunta kay Czera na sinalo naman nito.

Hinawakan ni Czera ang shot glass at tiningnan ito.

"Destiny." inikot nya ang paningin nya sa laman ng shot glass at nagpatuloy habang di tinatanggal ang tingin dito.

"Alam mo bang sa katagalan ko sa Pandemonium hindi ko kilala ang tagapagmana nito? Nagpahinga ako, akalain mong nakilala ko ang tagapagmana na di ko namamalayan? At ito ako ngayon nadadamay. Tahimik na sana ako eh. Pero ano yun? Destiny? Sino bang nagpasimuno nyang paniniwala sa destiny dahil dadaanan ko ng gulong ang pagmumukha nyan. Destiny agad? Hindi ba pwedi dahil sa kaliitan ng mundo? Kaya ngayon pa lang, babasagin ko na yang l***cheng destiny na yan dahil paasa lang yan eh." sabay ng pagtatapos ng mahaba nyang salita ay ang pagkabasag ng shot glass ng ibinababa nya ito ng buong lakas.

"Di-dito po tayo... Que-Queen." in some point inside the bartender, alam nyang hinahanap ni Czera si Jun dahil si Jun naman talaga ang tagapagmana ng Pandemonium dahil sya lang ang nag-iisang anak, isa pa, sinamahan din nya kanina si Jun ng hinanap nito si Blake. Hindi kasi agad binubuksan ni Blake ang kanyang pinto because of security purposes.

Nasa tapat na sila ng pinto ng silid ni Blake at may pinindot ang bartender sa gilid nito na parang isang communicator.

"Mr. Blake, the Queen is here to see you." ["Sinong Queen? Matagal ng wala ang Queen. Siguraduhin mong totoong Queen yan Joe. Busy ako."]

Itinulak ni Czera ang bartender na nagngangalang Joe pagilid at sya na ang pumindot sa communicator.

"Oh, Mr. Blake. Hindi naman ako nawala, I'm everywhere actually. The only difference is... I'm not wearing my crown." pagkatapos sabihin ni Czera ito ay tumunog ang pinto at bumukas ito.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon