CHAPTER 79: THE BOLE

1.2K 48 21
                                    

Dedicated to: senyoritaroma

***

Kanina pa kami nagkakatitigan ng kisame ko dito sa kwarto. Sumunod si Aron sakin kanina to tell me na sinuggest ni James na mauna na kong umuwi dahil nga ay galing pa akong taping at wala pang tulog. They assured me na sila na lang muna bahala sa magkapatid and that they'll let me know kung may mangyari man. I would like to insist pero inattitudan na naman ako ng magaling nyong leader so to not make things more complicated ay sumunod na lang ako at nauna nang umuwi.

And now na nakauwi na nga, I still remain restless. Bago kasi ako humiga ay chineck ko muna yung sinend ni Alex na mga patient records ni Dr. Agabo. Nang makita ko ang pangalan ko dun, confirmed nga that my eyes, like my very eyes right now, are not mine all this time. It was donated but unfortunately, my donor's record is unknown, not stated, wala. But I know I don't have to find that donor dahil kahit ano mang gawing bali-baliktad at paliku-liko, it all comes to one man and that's Knight Rider. Isa pa, alam ko na ngayon na yung panaginip kong pabalik-balik ay hindi pala basta-bastang panaginip kundi memorya ko na mismo. And if that's a memory, then I'm sure Knight Rider is with me from the ambulance and to that voice in the hospital. Sa ilang beses nang nagkakabenda ulo ko, it might have cause me a head trauma kaya nacoconfuse na ko sa panaginip at memorya. Maybe I should see a shrink later some time.

But what made me restless is the thought that these eyes were his and that I was this close of knowing him. Naalala ko mula sa memoryang yun na tinanggal nya ang helmet nya at narinig ko na sa pagkakataong yun ang boses nya. Hindi kasi nakikilala ang boses nya pag nakahelmet kasi namumuffle yung boses nya sa loob. Though, I wonder. . . if anyone had known I was supposed to be blind. . .

I should probably. . .ask them. . .later. . .and. . .that doctor. . .

And that's when darkness took my consciusness.

"Ano na madam, may taping ka pa ng alas dos, anong oras na? Kala ko pa naman ako natong natagalan sa pag-alis. . ." ang bigat ng ulo ko tapos may nag-iingay pa. Give me a break.

"Anong oras na ba?" naiirita kong tanong. Nakakaboset na kasi boses ng baklang to, di talaga titigil gat makarinig ng tunog sakin eh.

"Ay, alas dose y medya na po, kamahalan." f***ck? Parang isang oras pa lang pikit ko ah.

"Shoot! Nakalimutan kong buhay tao na pala ako ngayon. Di pa ko nakakareview ng script ko! Ah, malas!" nasambit ko nalang habang sinasampal ang sarili para tuluyan nang magising. Sobrang bigat pa din kasi ng mata ko pero nang magrewind na sa utak ko ang lahat nang nangyari kanina, tsaka ko na naalala kung saang panahon na ako ngayon.

Ignoring Ren, agad akong tumakbo sa banyo without even bothering to fix myself.

"Oh eh, sinong tanga? Diretso bihis ka na lang pagtapos mong maligo dyan. Ako na bahala sa mga gamit mo dito. Baba ka na lang agad, okay?" huli kong narinig kay Ren habang tinitimpla ko na yung tubig ng shower.

"Okay! Thanks, gorgeous- Ah shocks, ang init!"

Naligo na ko ng mabilis kahit na mali-mali na yung nadadampot ko dahil sa antok na nasa sistema ko pa din. Yung akala kong shampoo ay toothpaste pala. Pagtapos ko ay nagsuot na lang ako ng cargo pants with black belt, fitted crop top at sneakers. Kapag nagmamadali na kasi ako, mga ganitong suotan na lang ang sinusuot ko dahil maliban sa mabilis lang isuot, madali lang din ikilos.

Wala na mga gamit ko na dinadala ko sa set. Pati cellphone ko ay wala na din sa bedside table ko. When he said na sya na bahala, ay sya na talaga bahala. He really knows what to take or not. Kinakareer na nya masyado tong trabaho nya di porke't sya ang bestfriend. Minsan natanong ko na din kung di pa ba sya napapagod, pero ang sinasagot nya lang ay, "Mas nakakapagod kung pababayaan ka lang sa laot."

Ganun ka simple-minded yang BFF ko. Sa sobrang pagkasimple-minded nya, mapapabuntong hininga ka na lang talaga sa twing maeengkwentro mo utak nun.

"Mornin'." oy ang silaw, meyn.

"Jin!" nakababa na pala ako at itong anghel nato agad ang nasalubong ko. Tipong kahit pahapon na, feeling mo umaga pa din kung sa paggising mo sya agad makikita mo.

"K-Kakauwi nyo lang ba? Kamusta naman?" patuloy ko. Wala na kasi dito ang apat kaya naisip ko na baka di na nila naabutan.

"Kani-kanina lang. Kami na muna ni Aron umuwi, nagpaiwan si James para magbantay kay Tita Aimee kasi pinauwi nya muna ang mga kapatid nya para kumuha ng mga gamit at asikasuhin ang dapat asikasuhin." paliwanag nya.

"I see." being blinded by Jin's light ay napabuntong hininga pa din ako sa pag-aalala kay James. Will he be okay? Being alone like that? Come to think of it, all these years of being a DR, the only moment na nakita kong magkahiwalay sina James at Vein ay sa loob ng trabaho. Recordings, solo practice, guestings, tv station meetings, mga ganun.

"Don't worry, Princess. Si James pa ba? His family is his source of strength at kasama na nya ngayon pamilya nya. He'll be much stronger this time." as he gave me an assuring smile.

"I hope so." I really do hope so. Since people tends to get weak when left alone.

Nang mapansin ko si Aron na pumasok.

"Yo." bati nya na may kasabay na tango. Wow, suplado kanina, mabait ngayon.

Ginantihan ko din sya ng tango. Kala mo talaga magiging mabait na din ako sayo di porke't gumaan mood mo.

"Di ba kayo susunod sa studio?" tanong ko sa kanya kunware.

"We will. We just grabbed some things for James and then we'll take off after you. He plans to stay at the hospital until his mom regain consciousness." he answered despite that cold stare of his. Ganun sya kabait sayo, Czera.

"Ano na, madam? Baka mastuck na tayo sa traffic kung gusto mo pang magtagal dito." reklamo ng ngumunguyang double-bladed specie na nakasilip sa kusina.

"Oh, right. Saglit lang." pagpapaalam ni Jin sabay takbo ng kusina.

"O-Okay." tugon ko nang makalapit na si Ren sakin na nakasunod ang mga mata kay Jin.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon