CHAPTER 59: THE BEAUTIFUL NIGHTMARE

8.6K 186 36
                                    

Dedicated to: clayowpatra

I dedicated this chapter as a gratitude for this friend of mine since she's the great maker of AFWST's cover and also Soul/Suga's fan. She's also a writer of General Fiction and Romance, check her Book of Love series in her profile. Highly recommended so far is Eros, the first book and is already completed .

***

Sa sobrang kadami-dami na ng mga iniisip ko these past few days, napatanghali ako ng gising ngayong desperas ng bagong taon. Kagaya ng mga nakaraang araw, I woke up with a headache. Hilot-hilot ko pa ang ulo ko habang pababa ng hagdan ng parang ang tahimik ata ng paligid. I mean, parang naging secluded bigla yung dorm.

Palingon-lingon ako ng makita ko si Soul papasok. Medyo nagulat pa sya ng makita ako.

"Good morning." bati ko na lang na may maliit ngiti.

"Morning." sagot nya sabay iwas ng tingin.

"Asan si Jin? Wala atang nagkakalkal sa kusina?" biro ko ng makababa na.

"Ah, uhmm, sa ampunan na sya magdadaos ng bagong taon mamaya like he always do. Di na nya nasabi sayo kagabi kasi mukhang pagod ka na simula ng makabalik tayo dito. Baka daw gigising ka ng maaga." wow. Mahaba-haba din yun ha. Pero obvious na memoryado.

"Oh. So, usually, kayo naiiwan ni Hope dati?"

Umiwas sya ng tingin at tumango.

Panandaliang katahimikan at walang kumilos sa amin ng mahalata kong nakapanlakad sya.

"Going somewhere?" tanong ko.

"Yeah. Just a visit. I was actually going there right now. H-Hinintay lang kitang... uhh... magising."

"Oh." I made a small nod at nagsimulang maglakad papuntang kusina. Ramdam ko pa rin na hindi pa talaga kami ganun kalapit ni Soul kahit na I'm pushing my way to be casual towards him just like with the others.

"Alright. You should go. I might find something sa fridge na maluluto ko para satin mamaya." wala akong sagot na narinig kay Soul. Di na rin nakakapagtaka. Nakasanayan na rin eh. He's not that of a talker when it comes to me pwera na lang sa mga nangyari nung Christmas Olympics.

I open the fridge at may nakita akong food na nakabalot at may pangalan ko. No wonder kakagawan na naman to ni Jin. Sa twing lumalabas kasi sya at tulog pa kami, iniiwanan muna nya kami ng mga pagkain with our names on it. Husband material talaga. Or should I say wife material?

Napatawa ako ng mahina sa naiisip ko.

Pinasok ko yung pagkain sa microwave para mainit ito.

"Wanna come?" napabalikwas ako ng ikot at maharap ang Soul na nasa entrance ng kitchen. Nakatayo sya dun pero hindi nakatingin sa akin kundi sa gilid.

"Y-You want me to come?" gulat kong tanong. As in this is a surprise. I never did expect Soul to ask me out para samahan sya.

"Uhh, since the others are not here. I uhh... I think you're... uhmm... my responsibility to take care of. It might be dangerous for a girl to be left alone." napatulala ako sa sinabi nya. I'm reading him for any signs kung napipilitan lang sya. But all I can see is shyness.

Well, should I grab this oppotunity para mapasok ko ang kahit na kalahati ng mundo nya at para maramdaman nyang not all girls are like his mother?

"Uhh... s-sure. Bihis lang ako. Sandali lang." kasabay din nun ang tunog ng microwave kaya binalik ko na lang ulit sa fridge yung pagkain na inihanda ni Jin at patakbong umakyat ng hagdan at nilampasan sya.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon