CHAPTER 78: THE LINK

1.6K 56 12
                                    

Dedicated to: glumnight

***

"Okay good job, everyone! Kahit inabot tayo ng madaling araw, maraming salamat pa din sa cooperation ng lahat. Pack up na tayo guys, at magpahinga na!" it's almost 4 in the morning nang matapos tong shoot. And I gotta be honest na sobrang napagod din ako. More on dance practice and emotional break down kasi ang scene ko ngayon. Patagal kasi ng patagal, pabigat ng pabigat ang katawan ko kaya nakakailang takes na ko kalaunan sa shoot. Natyempohan pang kulang ako sa tulog at iisang time setting yung emote at dance practice scene, ang masasabi ko nalang talaga ay di biro ang buhay artista.


There's a little scene na ipinakita nila si Cain in a wheelchair kung saan ay ang huling appearance ni James sa pelikula. Cain lost his ability to walk therefore, he can no longer proceed with the dance competition. As his twin sister Bel, I promised him na ipagpapatuloy kung ano mang sinimulan namin kaya from there ay mag-isa na akong lumalaban.
I'm sure a lot of his fans will be disappointed losing him in the movie, but I think maiintindihan din nila na hindi na maaaring ipagpatuloy ni James ang role nya bilang Cain kung gusto nilang gumaling agad ito. Though it's true that it's such a waste na di full ang makukuhang stipend ni James sa project nato. He auditioned for the role for the money afterall. Kahit na out of his league yung character ni Cain, pinagsikapan pa din nya itong makuha. Good thing na lang talaga na sagot na ng kompanya ang pagkaospital nya dahil sa loob ng trabaho ang aksidenteng nangyari samin. Kung hindi, paniguradong magigipit na naman sila ng pamilya nya.
"Anyone wants to have coffee bago umuwi? May malapit na 24/7 cafe dito, treat ko. We'll set the next tape later in the afternoon pa naman." anunsyo ni direk Lino.

"Wow, coffee! Sama ka, te?" tanong ni Ren sakin.

"Pass na muna ako. My bed sounds tempting than coffee kaya mauuna na siguro akong umuwi sa inyo. Papahatid na lang muna ako saglit sa driver then papabalikin ko sya dito para may maghatid din sa inyo." minsan nahihiya na din ako dito sa bestfriend ko. In the first place, he didn't signed up for this. Bigla ko nalang sya naging stylist, make-up artist, designer at kung anu-ano pa out of nowhere. Kung hindi lang siguro sya na-involve sa showbiz life ko, siguro maayos sya ngayong nag-aaral hanggang makapagtapos. Siguro ang tanging pagpupuyatan nya lang ngayon ay mga quizzes at exams, at hindi itong nagpupuyat sa trabahong di naman para sa kanya at lagi pang nalalamigan at naiinitan.

"KJ naman nito. Minsan lang manlibre si direk, eh. Pero sige na nga, nakakapagod nga naman pinaggagawa mo kanina. Sayaw dito, iyak dun. Bagsak dito, suntok dun. Hirap buhay artista!" nginitian ko nalang sya.

"You tell me. Naisip ko din yan kani-kanina lang." tawa ko.

"But anyways, be sure na safe makakauwi si Pat, ah." habilin ko din.

"Of course. I still have a bit of gentlemanliness in me naman, duh." maarte nyang sagot kaya tinawanan ko nalang ulit sya at tinulungang magligpit.

Di kalauna'y dumating na din si Pat dala-dala ang bagong schedule ko. Nang malaman nyang di ako sasama ay nagdalawang-isip na din syang sumama. I pushed her to come para naman maimprove pa lalo social life nya. Wala na din namang problema ngayon sa mga kapatid nya dahil bukod na maaasahan naman na sila, medyo nakakaahon na din sila. Normal na sila ngayong nakakain ng tatlong beses araw-araw o higit pa di tulad dati na kelangan pang magmadali ni Pat makauwi para asikasuhin ang mga kapatid nya.

"You sure na ayaw nyo nang magpahatid kay manong pauwi? Pwedi naman na balikan nya kayo pagkatapos nya kong maihatid." nakaupo na ko ngayon sa loob ng van.

"Magtataxi na lang kami. Kawawa naman si manong wala pang maayos na tulog. Uunahin ko naman ihatid tong si Pat kaya wag ka nang mag-alala dyan at papahingahin mo na lang si manong. Di ba, manongskie?" tawag ni Ren kay manong na nakapwesto na sa driver's seat.

Ngumiti na lang si manong kay Ren. Tama naman talaga si Ren. Mukhang kulang pa ang tulog ni manong. Kapag ganitong may puyatan, pati si manong ay napupuyat din kahit na nakakatulog naman sya dito sa loob ng sasakyan habang naghihintay na matapos kami pero iba pa din yung may maayos na natutulugan.

"Osya. Mag-iingat kayo. Magtext kayo pag nakauwi na. Salamat sa laging pagsama nyo sa puyatan." pagpapasalamat ko at pareho ko silang nginitian.

"So cringy. Tigil mo nga yan. Nakakakilabot ka, pramis. Upo na ng maayos dyan. . ." utos sakin ni Ren na sinunod ko naman.

"Buti sana kung makakasama ka, Czera. Medyo nahihiya pa ko sa ibang staff, eh." pahabol ni Pat.

"Nako Patricia, pag itong haliparot na to kasama mo, trust me. Mas mahihiya ka pa para sa kanya. Secret power nya kasi yang magnullify ng hiya sa katawan ng kung sino man kasama nya. Kaya wag ka nang mahiya't makisabay ka nalang, total magkakilala naman na kayong lahat." pagpapalakas-loob ko sa mahiyaing babaeng to.
"Mukhang kakabahan na ata ako twing kasama kita, bakla. . ." sagot nya sabay tawa at inikutan lang sya ng mata ni Ren.

"Whatever. Shupe!" at malakas na isinarado ni Katricio ang pinto sa mukha ko. Bastos talaga.

Di ko alam kung nakaidlip ba ko o anlayo lang talaga ng nilakbay ng isip ko dahil hanggang ngayon ay nababagabag pa din ako sa eye clinic na yun.

"Manong, salamat sa paghatid, ha. Baka gusto nyo po muna pumasok at magkape?" aya ko bago lumabas ng van.

"Nako, salamat nalang nak, pero mas maigi sigurong magpahinga ka nalang. Magbebente kwatrong oras ka nang gising, masama sa kalusugan yan." sagot ni manong sa aya ko.

"Manong talaga, eh pareho lang naman po tayong nagttrabaho dito. I should say the same thing sa inyo po. Pero sige ho, para kayo ay makapagpahinga na din. Mamayang alas syete eh magsusundo na naman kayo dito sa iba." patawa-tawa lang yan si manong pero alam kong may mga araw na sumasakit kasu-kasuhan nyan pero pinipilit pa ding makapagtrabaho ng maayos.

Bumaba na ko ng van at kinuha ang iba ko pang mga gamit. Di ko na pinababa si manong para tulungan ako total hand-carry lang naman tong mga gamit ko.

"Manong, salamat po ulit. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi." pamamaalam ko.

"Salamat, nak." pagkatapos ko ibalik ang ngiti ni manong ay sinara ko na ang van at nagsimula nang maglakad papasok.

Nang makapasok na ko ng dorm ay dumaan muna ako ng kusina para kunin yung tumbler kong may lamang tubig. Di kasi ako sanay na walang tubig sa kwarto ko. With my hands full, nakaabot naman ako ng kwarto na walang naibabagsak na gamit. Not to mention that I have to walk quietly para di ko magising ang iba.

Pagkarating ko ng kwarto ay agad kong binagsak ang mga gamit ko sa kama at inilagay ang tumbler sa bedside table ko. Mag-uunat na sana ako nang biglang may kumalabog sa isa sa mga kwarto kaya napalingon ako sa bahagi na pinanggalingan ng tunog. Baka may bumagsak lang habang natutulog. Nakatabig o nahulog sa kama, ganun. Possibly, Jun o Vein. Si James malikot ding matulog at minsan ko na ding narinig na nahulog sya sa kama nya noon habang tulog. Pero dahil wala pa sa tamang kalagayan ngayon si James ay baka impossible namang. . . ohgad!

Agad akong napatakbo papunta sa kwarto nya. Hindi lang sya makalakad pero hindi naman paralisado buong katawan nya kaya possible paring maglilikot habang tulog yun.

Pagkadating ko sa tapat ng pinto ng kwarto nya, pinakiramdaman ko muna ang loob. Di kasi namin ito nilolock twing matutulog baka sakaling may kelangan si James ay madali naming matugunan.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon