CHAPTER 37: THE HEARTTHROB

12.3K 322 53
                                    

Dedicated to: KayeNovestroPerando

***

"Anong audition?" tanong ni Aron na syang inabangan din ng iba.

"Ah, yung college kasi namin nagheheld ng audition para sa magiging representative para sa University Week. Eh, kami ni Jun napili ng subject teacher namin na magrerepresenta ng section namin for the vocal duet kaya ayun." pagkatapos kong magpaliwanag ay nilipat ko yung tingin ko kay Cas.

"Cas, pwedi bang pass muna kami ni Jun sa meeting ngayon? Baka kasi magkasamaan ng loob. Hindi naman kasi namin inaasahang magigipit tayo dito kay Demonteverde kaya kinuha namin ang event na yun." makikita naman sa mukha ni Cas na naiintindihan nya ang kalagayan namin.

Tumango sya at ngumiti.

"Sige. Kami na ng iba bahala sa meeting. Oh sya, hinahanap na kayo dun di ba? Alis na. Traffic pa naman." nagkatinginan muna kami ni Jun bago sabay na tumakbo sa taas upang magpalit.

Lunes na lunes puro na mga kagulat-gulat na pangyayari ang natatanggap ko.

Pagkatapos kong magbihis ng mabilisan ay lumabas na agad ako ng kwarto dala ang sling bag ko na halos di nagagalaw ang mga notebooks sa loob. Papunta ako sa kwarto nina Jun at James. Si Jun kasi kelangan pa ng disguise kaya nauna ako sa kanyang matapos magbihis.

For marshmallow's sake! Wala pa pala kaming napipiling kanta! Ay hanubang buhay to!

Kakatok na sana ako pero bigla namang bumukas ang pinto kaya for the nth times! Nabangga na naman mukha ko sa pagkatigas-tigas na pinto. Sabihin nyo na lang kasi kung may hinanakit kayong mga pinto kayo sa mukha ko.

"Oh, anyare sayo?" nakuhang pang magtanong ng -

Natulala ako. Ngayon ko lang nakitang malapitan ang nerdy look ni Jun. And shemay, hindi ko idedeny na ang cuuuuuuuuuute nya. Yung labas dark aura pero di mo magawang matakot kasi matutulala ka sa kaamuhan ng mukha nya.

"Hoy!" ayun nagising ako.

"Ah? Ah! Ano yung... May-may... ano uhmmm... Ano ba yung kakantahin natin dun?"

"Ewan." Simpleng sagot nya na may paantok effect pa.

"Whhaaattt?! Anong ewan? Di ba sabi mo ikaw bahala?" dahil nauuna syang naglalakad, natataranta naman akong nakasunod sa kanya.

"Eh di ako bahala." ay ano ba problema ng batang ito?

"What? Jun naman. Don't tell me tutunganga lang tayo dun?" nasa gitna na kami ng hagdan pababa ng hinarap nya ako. Dalawang steps ang pagitan namin.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon