CHAPTER 17: THE ACTION

10.1K 312 14
                                    

Dedicated to: RamboGallos

***

CZERA POV

Tumigil ang mundo ko ng marinig ang boses ng isang lalaki at mga yabag.

Bakit ngayon pa? Malapit na sana kami sa labas oh, pinapasuspense mo pa pagtakas namin otor eh. May patayan pa bang magaganap dito?

Wala ng oras para sisihin pa si otor kaya naghanap ako ng pweding pagtataguan na kung maaari ay malapit sana sa pintong palabas.

At hindi naman ako nadismaya dahil nakakita agad ako ng pagtataguan kaya dali-dali kong hinatak si Aron papunta sa likod ng mga explosives boxes. Malalaki kasi ang mga ito at pwedi na kaming makatago dito sa likod.

Pinaupo ko sya sa sulok bago sinilip ang kakapasok lang na mga apat na kalalakihan. Isa sa mga pumasok ay yung matandang bumaril sa akin. Sya nga pala yung boss.

Diretso ang pagpasok nila kaya may kutob ako na pupuntahan nila ang silid na kinalalagyan namin at kapag makita nilang wala na kami doon, panigurado tustado labas namin kaya kelangan naming makalabas agad dito.

"Kayong dalawa magbantay kayo dito at baka may maligaw at mapasok tayo dito." utos nung boss.

Eh di wow. So ano? Hindi mo kami patatakasin?

Nagpaiwan naman yung dalawang lalaki na medyo may kalakihan ng katawan at nagpatuloy ang boss kasama yung lalaking medyo nasira na ng drugs ang pangangatawan.

Nang humarap yung isa sa direksyon kung saan kami nagtatago, agad naman akong tumayo ng tuwid upang makatago sa likuran nung box. Wala akong narinig na yabag na papunta sa amin kaya sumilip ako ulit at papunta sila ngayon sa nag-iisang labasan habang nagmamasid sa paligid.

Lumapit ako kay Aron na nakaupo at nakasandal pa rin pero at least medyo maaliwalas na ang mukha nya.

"Hey. Anong nararamdaman mo?" pabulong kong tanong.

Tiningnan nya ako at nagbuntong-hininga.

"Medyo nagkakalakas na ako." pabulong din nyang sagot.

"Good. Makinig ka. Can you... can you run?" nakita kong medyo naguluhan sya sa tanong ko dahil kumunot ang noo nya. O di kaya alam nya ang maaari kong gawin base sa talino ng lalaking ito.

"Bakit? Anong pinaplano mo?" sabi ko na nga ba eh. He can read my plan.

"Look Aron. Nagbubulungan tayo ngayon dito dahil may mga rumurundang mga adik dun sa pinto palabas. So kung may rumurunda, ibig sabihin, mahihirapan tayong tumakas ng sabay. Kaya kelangan na isa sa atin ay magpaiwan para makuha yung atensyon nila at makatakas to meet Cas and the others. And base sa estado nating dalawa ngayon, obviously, ako yung may kakayahan at mas may lakas kesa sayo. So all you have to do is to run as fast as you can papunta sa kung saan ang papasok ng pyer nato upang makita ka ng iba."

"And what exactly is your plan?"

"I can scare them. This place is full of explosives. Isang bala lang ng baril nato, sabog ang buong lugar."

"And? You're also planning to go down with the place in case na hindi sila magpapadala?"

"Aron... I lived because I know I have a purpose. And if this will be my purpose, then I'm willing to do everything maibalik ka lang sa DR. DR needs you Aron. You've been their leader since the day DR was made. At ako- I've been a DR for some months pa lang. You need to live Aron."

"If you die, nothing will change. Baka nakakalimutan mo... alam ko ang rason kung bakit ka pumasok sa amin. However, if you continue living, there are some things you can change."Nakatingin kami ng seryoso sa mata ng isa't-isa na para bang binabasa namin ang utak ng isa't-isa. Searching for something.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon