CHAPTER 71: THE CHARMING PRINCE

2K 69 23
                                    

Dedicated to: heartuuuuuui

***

"Anong nangyayari sa inyo dyan?" tanong ng babaeng nasa wheelchair, looking worried and confused at us.

Nahuli kong sumulyap si Vein sa akin saglit tsaka lumapit dun sa babae.

"Wala naman, tita. Nagkakatuwaan lang. Nagising ba namin kayo?" obviously, he's trying to hide what's happening behind his back.

"Hindi naman. Oras lang ng pagturok ng insulin ko nang mabanggit sakin ni Jerome na andito ka daw at may mga kasama ka. Nakilala ko na si Jin sa sala..." sabay silip sa likuran ni Vein.

Insulin? Muli kong tinignan ang putol nyang binti. James' mother have diabetes? Kaya pala... Tinignan ko yung tinapong chocolate cake. So, is this why Vein threw the cake? At kaya ba hesitant si Jiramae kanina ng makita nya ang cake?

Medyo nabigla pa ako ng nagtama ang paningin namin kaya umusog ako para matabunan yung basurahan. Medyo nakalabas kasi yung tinapong cake.

"G-Good morning po." bati ko, giving her a slight smile.

"Magandang umaga din. At ikaw si...?" balik-tugon nya sa akin.

"Czera po. Mas kilala po ako bilang C. Bale kasama-"

"Ah! Ikaw yung nag-iisang babae sa grupo. Yung laging nakakasabayan ni James." and she smiled na para bang batang nakakita ng cotton candy.

"Opo. Ako nga po." pagpapakilala ko na may kasamang ngiti. It's rude naman kung magpapakilala lang ako by my stage name.

"Buti at nakilala na kita sa personal. Ang ganda mo pala talaga noh? Lagi ko din kayo nakikitang magkasama nitong si Veincent. Sabi na nga ba magkakasundo talaga kayong tatlo eh." and she showed me her wide smile na syang ikinabigat din ng loob ko.

Tinignan ko ulit yung mama ni James. I know she's not really that old pa pero medyo bakas na sa mukha nyang she looks older than her age. Due to maybe sa biglang pagpayat, medyo may saggy skin na sya sa mukha nya. Mabuto na rin ang mga kamay, and her eyes look sleepy at makikita din sa pag-akyat baba ng balikat nya na medyo hindi na normal ang paghinga nya. Pero sa likod ng anyo nya, may nakadikit pa ring maliit na ngiti sa kanyang maninipis na labi. Mukhang naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Vein na bigyan pa sila ng problema.

I took a deep breath and grabbed the bin behind me.

"Excuse me, pero mukhang puno natong basurahan, tatapon ko lang po sa labas." I smiled at her tsaka nagmadali nang lumabas. Dahil sa biglaan kong exit, wala nang nakasagot sa akin o pumigil man.

The moment I stepped out the door, tumulo na ang isa, dalawa, tatlong patak ng luha mula sa aking mga mata. I wiped it quickly because of the reason na ayaw kong umiyak at ayokong makita nila akong umiiyak. Agad kong hinanap ang tapunan nila ng basura. Luckily ay may waste disposal sa may tapat ng bahay nila kaya agad ko yun tinungo.

JIN POV

Medyo nagulat ako ng makita ko si Czera na nagmamadaling lumabas na may hawak na basurahan. Nakita ko pa yung cake na binili nya sa loob nito. Napatingin din agad ako sa parte nila Vein at ng mama ni James. Mukhang nagtataka pa sila sa biglang pag-alis ni Czera pero agad naman sinalo ni Vein ang sitwasyon.

"Tita, medyo mainit dito. Dun na lang po tayo sa sala para maaliwalas sa inyo." Vein suggested.

Nagpaiwan sa kusina ang babaeng kapatid ni James at pumwesto na ang iba dito sa sala.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon