CHAPTER 72: THE ISOLATION

1.9K 73 11
                                    

Dedicated to: someoneCOLD_CHILDISH

***

Matapos naming sabihin at ikwento halos lahat, wala ni isa sa amin ang nagsalita. Hinayaan ko si Vein na ang magsabi pero medyo ikinagulat ko pa na di nya ipinaalam na yung kasamahang iniligtas ni James ay ako.

"M-May kasama ba ngayon dun si J-James?" mahinang usal ni tita Aimee.

"Opo. We take turns sa pagbabantay sa kanya. Kami dapat nagbabantay sa kanya ngayon ni Jin kaso. . ." sumulyap muna si Vein sa akin bago ibinalik ulit ang tingin nya kay tita.

"Naisipan namin na ipaalam sa inyo ang nangyari kaya po kami andito." pagpatuloy nya.

Nakita kong bubuka sana ang bibig ni Jiramae pero hindi nya tinuloy.

"P-Pwedi ba namin sya bisitahin?" para bang binuhasan kaming lahat ng malamig na tubig at sabay-sabay pa kaming napatuon ang atensyon kay tita.

Tinignan ko si Vein at napatingin din sya sa akin tsaka inilipat kay Jin.

"T-Tita. . . w-walang pong problema kaso. . ."

"Mahirap sa lagay ko." pagtatapos ni tita sa gustong sabihin ni Vein.

Napangiti na lang si Vein sabay yuko. Pagkabalik ko ng tingin ko kay tita ay nakita ko syang dahan-dahan na bumuntong hininga.

"Ngayon ko na lang ata pinagsisihan ang sakit na ito." tawa nya pa pero ni isa sa amin ay walang nakitawa sa kanya.

Ngayon lang? Ngayon pa lang nya pinagsisihan habang nilulunok na ni James lahat na paghihirap para sa ganitong klaseng ina? Anong klaseng ina nga ba sya? Ni hindi ako nagalit ng ganito sa mama ni Soul na mismong inaabuso ang sariling anak.

"Ni di ko man lang madalaw sa ospital ang panganay ko. Isang bwan pa sya kamo di makakalakad? Nasa tabi nya ako dapat. Ako dapat umaalalay at nag-aalaga sa kanya. Pero wala na naman akong magawa." napakuyom ako ng kamao. Is she this insensitive? All this time, wala kang ginawa kundi ang magpabigat pero ngayon mo lang pala talaga to naisip?

Tahimik pa rin ang lahat. Lahat nakatungo. Wala man lang gustong magsalita?

"Atleast makakapagpahinga na si James." basag ni Vein sa matagal na katahimikan na yun. Napatingin naman si tita sa kanya.

"Bakit? Pinapahirapan ba nila si James?" kumunot ang noo nya at gayun din ang akin.

Lumingon ulit ako kay Vein at mukhang may gusto syang sabihin kaso ay ayaw na lang nyang ituloy. I can see his hesitation all over his face.

"Hindi po. Walang nagpapahirap kay James doon. Kayo lang ho ang nagpapahirap sa kanya." and there I said it. Lahat sila ay napatingin sa akin at bahid na bahid sa mga mukha nila lalo na kay Vein ang pagkagulat.

Kumunot na din ang noo ni Vein habang nakatingin sa akin. Pero kung walang magsasalita, sino pa ang magpapagising sa ganitong klaseng ina?

"A-Ano ibig mong sabihin?" takang tanong pa nya na syang nagpainit pa ng ulo ko.

"Hindi nyo alam? Seriously, wala talaga kayong alam? O sadyang bulag talaga kayo?" sarkastiko kong tanong at ramdam kong any moment now ay sasawayin na ako ni Vein.

"Wala ba talaga sa inyo dito nagtataka kung bakit sunud-sunod na ang pagpapadala ni James ng pera lately?" tanong ko.

"A-Ako po." sagot ni Jiramae na medyo itinaas pa ang kamay kaya lumipat na naman ang tingin naming lahat sa kanya.

"Sakin po kasi laging inaabot at pinapadala ni Kuya ang pera. Pero nito pong nakaraan ay halos araw-araw na po ang abot nya sa akin simula nang ipinaalam ko sa kanya na nadagdagan ang mga gamot ni mama at mukhang makukulangan sa gastusin. Natanong ko pa nga po sya kung paanong sunud-sunod na ata ang abot nya. Sagot nya po ay dahil nakapasok daw po sya sa isang movie at semi-protagonist daw po ang role nya kaya sya may dagdag." paliwanag ni Jiramae at nakinig naman kaming lahat.

A Flower With Seven ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon