(Jonnie)
I'm back mga warka.
Buhay pa 'ko! Lord God, thank you!
Pero nung magising ako, pakiramdam ko may mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko. Para ako'ng nangangalay na pinagsakluban ng langit at lupa, hindi ko maintindihan. Maski pagbuka ng bibig ko, nahirapan pa'ko. Sa tinagal-tagal siguro na hindi na nagagamit bibig ko, ayun nakalimutan na nito paano mag-function.
Basta huli ko'ng naaalala bago ako makatulog at managinip nang pagka-weirdo'ng-weirdo na bagay, nasa loob ako ng sasakyan ko. Naaamoy ko ang dugo na umaagos mula sa ulo ko, mainit-init pa 'to, may kirot sa iba'ng bahagi ng katawan ko hanggang sa tuluyan ako'ng wala'ng maramdaman bago mag-blanko ang lahat.
Tapos gumising nga ako ulit na nakahilata na sa ospital.
"Jonnie!" nag-iiyakan nga si Misty at Chin pagbukas na pagbukas nito ng pintuan ng kwarto ko.
"Mga uhog niyo uy." biro ko.
"Burikat ka, miss na miss ka namin!" nakangawa'ng mura ni Chin sa'kin.
"Buhay ako. Huwag na kayo'ng umiyak. Masama'ng damo 'to."
"Bibig mo talaga kahit kailan."
Nangiti ako.
Gusto ko'ng maluha, sa totoo lang. Kaso masyado ko na sila'ng napag-alala, at ayoko na dagdagan pa 'yun kapag nakipagsabayan pa ako sa iyakan kina Chin.
"Ano'ng nangyari sa mga araw na tulog ako? Kumusta ang fandom?" nang-usisa ako nang kumalma-kalma na sila, nasa maayos na pwesto na rin sa tabi ko.
Nagtinginan ang dalawa, parang may ayaw sabihin sa'kin.
"Hoy, ano?"
"Ano kasi...madame...um, si Hyuk, nasa military na."
"Nubakayo? Siyempre alam ko na na sa panahon na 'to nasa military na siya. Pero maliban dun, wala ba'ng major announcements?"
"Bardagulan lang ang na-miss mo. Pero you raised us well, kami na bahala umaway sa mga alien." si Misty naman ang sumagot.
"Ugh, bardagulan, namiss ko tuloy makipag-away online."
"Gaga, nakaratay ka pa nga diyan tapos gusto mo na agad makipagpatayan online?"
Hindi ko kasi alam ano'ng gagawin ko ngayon'g binawalan ako ng doctor na gumamit muna ng social media. Ang bigat-bigat din ng utak ko, kinakapa ko pa 'yun'g katawan ko, feeling ko pinanganak ako ulit, chaar.
Kaya di ko tuloy alam ano gagawin ko habang nasa ospital, kapag natulog ako, mas lalo lang ako'ng napapagod kapag nagising na'ko. Hindi naman ako mahilig magbasa ng libro.
"Kelan ka raw pwede ma-discharge?" si Chin.
"Hindi ko pa alam. Siguro naman hindi ako aabot ng isa pa'ng buwan dito ano?"
"Hindi 'yan. Stable ka na rin naman diba?"
"Oo. Pero..." bigla ko naalala, "...financially hindi." hashtag reyalisashun.
"Tangina, pera talaga iniisip mo?"
"Mahigit isa'ng buwan ako nandito, siyempre lumulubo araw-araw bill namin."
"Jonnie, hindi ka dapat namomroblema sa ganyan ngayon. May funds naman na binibigay 'yun'g mga tao'ng nagmamahal sa'yo. Kaya kahit papa'no nakakatulong 'yun sa bayarin." ito'ng si Misty naman ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
