#4

45 4 0
                                    

(Jonnie)

So nanuod ulit ako ng Frozen habang nakahilata sa kama ko. Day off ko na naman kaya nilubog ko ulit ang buo'ng katawan ko sa higaan. Nakakapagod kaya'ng gumising nang maaga para maghanda sa pagpasok sa trabaho, makikipagbakbakan ka pa sa daan keaga-aga, tapos maiipit ka pa sa traffic. Pagdating mo sa trabaho, hulas ka na hindi pa nga nagsisimula ang araw mo. Tapos iba'ng issues na naman ang haharapin mo sa opisina, pakiramdam ko nga may uban na'ko sa stress. Kaya sinusulit ko ang akin'g day off, deserve ko rin naman magpahinga ano?

   Matapos ko nga'ng iyakan ang Frozen 1 at 2 ay nanuod ulit ako ng kdrama, edi umiyak na naman si bakla? Minsan talaga naiisip ko hindi ko na kailangan nang jowa para magkaroon ako ng sleepless nights and crying at dawn moments e. Kdrama lang, sapat na. And speaking of kdrama, gusto ko tuloy bigla magpunta ng sauna tapos kumain ng itlog at ramen. Kasalanan 'to nang pinapanuod ko e.

   Naalala ko na may na-mention sa'kin si Chin na Korean Sauna sa Makati. Ni-chat ko agad ang bruha sa GC namin. We call our group chat "Martilyo Girls", because we pokpoks.

     "Mga bakkllaaaaaa! Busy ba kayo?" ang bungad ko sa groupchat.

     "Burikat ka, nasa trabaho ako." reply agad ni Chin. Brand manager 'to nang international brand ng sapatos, marami'ng datung si bruhilda kaya masarap kaibiganin. Chos.

     "May dinner kami ni Lloyd mamaya pagkatapos ko rito sa shop." si Misty naman na may ari ng isa'ng costume shop. Online seller din si teh gurl.

     "So busy nga kayo."

     "Malamang. At bakit ba sana?" si Chin ulit. Sa group chat namin siya lang naman talaga ang kabatuhan ko nang kagagahan, si Misty 'yun'g kaibigan mo'ng makasalanan. Seener sa Englis, chaar. I'm just joking my English teachers.

     "Jimjilbang tayo. Huhu."

     "Ang puta nang huhu mo. Nai-imagine ko mukha mo, sagwa mo."

     "Huhu." inasar ko siya.

     "Bwesit ka talaga, Jonnie. Pero hoy, gusto ko sana mag-jimjilbang kaso uuwi ako nang maaga ngayon, susunduin ako ni hubshubs, punta kami sa bahay ng in-laws ko."

     "Nubanamanyan."

     "Gaga ka, uunahin ko muna asawa ko."

     "Gets ko naman ah!"

     "Arte mo, gurl. Artista ka?"

     "I'm an acter."

     "PUTACCA."

   Nangisi ako.

     "Ganyan ka ba sa opisina niyo? Paano nakapasa sa isa'ng BPO company 'yan'g English mo ha?"

     "Matino ako sa opisina. Kaurat nga e. Chaaaar."

     "Naurat ka pa. Baliw ka talaga hahaha."

     "Wag mo nga ibahin ang usapan."

     "Di ko naman iniiba! Sinagot ko na nga diba na 'di ako pwede? Kaya maghanap ka nang iba'ng makakasama."

   Napatirik ulit ako ng mga mata. Magso-solo flight na naman ata ako nito.

   At hindi nga ako nagkamali, busy rin ang barkada ko sa mga trabaho nila at wala sila'ng gana'ng lumabas. Ni-invite ko na nga lang si Ligaya na samahan ako pero maski sarili ko'ng ina ayaw ako'ng samahan, huwag ko raw siya idadamay sa pagiging hayok ko sa Korea. Akala mo naman talaga hindi siya na-fall sa lalaki'ng may Korean bangs way back 2005, pinakasalan niya pa. Duh, Ligaya. Duh.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon