#26

36 0 5
                                    

(Lea)

"Natutuwa ako sa bata'ng 'yan." bigla ko'ng narinig si Hani, "At mukha'ng hindi lang ako 'yun'g enjoy na enjoy oh."

   Pareho kami'ng nakatingin kay Cace at Jonnie na nagtatawanan sa banda'ng likod.

    "Magkaibigan sila at nature na talaga ni Jonnie na maging masiyahin and it's not a surprise that everyone around her would be happy because of her energy. She just gives off good vibes."

     "'Yun nga rin ang feeling ko." nagtinginan kami, "Pero aminin mo, bagay sila."

     "Hani."

     "Bakit? Matagal na sila'ng magkaibigan, sabi mo naman na nagbibigay ng good vibes si Jonnie. Tsaka kita mo oh, masaya'ng masaya ang anak mo habang kasama siya. Ano pa ba'ng hinahanap mo?"

     "It would be better if they just remain friends."

    "Eh hindi nga lang sila pang-magkaibigan lang. Itaga mo sa bato, 'di magtatagal ipapakilala rin ni Cace na girlfriend na niya si Jonnie."

     "You and your matchmaking habits, seriously."

    "Wala pa ako'ng nama-match na hindi successful." she said in as a matter of fact voice.

   Nangiti lang ako.

     "Exhibit 1, aba lalayo pa ba tayo? Siyempre kayo ni Clark. Exhibit 2, Olivia ko at Lance mo. 3, si Maru and my soon to be daughter-in-law. Naku, kung hindi lang malaki ang agwat nila ni Jonnie at nagkataon na wala'ng girlfriend ang unico hijo ko, nireto ko na sila sa isa't isa."

     "Hani, hindi lahat nang nakikita mo'ng babae at lalaki na magkasama ay dapat nang e-match."

     "Alam ko, kaya nga hindi kita nireto kay Boom nun. Pati si Ces, hindi ko pinilit kay Clark."

   Natawa ako.

     "Haay, ngayon gets ko na kung bakit kilig na kilig kayo'ng lahat sa'min ni Kevin dati."

    "Ha?"

    "Nakikita ko sa mga bata'ng 'yan ang kabataan namin ng Tart ko." siniko niya 'ko, "marahil sa ngayon hindi pa nila ramdam na bagay sila, pero nasisiguro ko, ramdam na nila ang koneksyon. Kailangan nalang nila'ng hayaan ang mga sarili nila na mahulog."

     "Seriously, Hani?" hindi ako makapaniwala, natatawa lang ako sa naiisip niya.

     "Bakit ba? Alam ko na alam mo na may point ako. Inihahanda ko lang 'yun'g utak mo para hindi ka na masyado'ng magulat in the near future."

     "Ewan ko sa'yo."

     "'Pag nagkatuluyan ang dalawa'ng 'yan, gagawin ko na talaga'ng negosyo ang matchmaking."

   Natawa lang ulit ako. She really is determined.

     "'Yun'g tawa ni Cace, naku, ganyan din ang tawa ng Kevin ko. Kaya hanggan'g ngayon mahal na mahal ako nang asawa ko. Patay na patay pa rin siya sa'kin." daldal niya.

    "Hay, nami-miss ko na tuloy siya. Ayoko na, uwi na nga ako." biro nito. Tawa lang din ako nang tawa sa kabaliwan nito'ng si Hani. Wala pa rin siya'ng pinagbago.

     "Akala ko ba si Kevin ang patay na patay sa'yo pero ikaw 'to'ng gusto nang umuwi para makasama na ulit siya?"

     "Panigurado nami-miss na rin niya kasi ako. Alam mo—" napatingin siya sa cellphone niya at ngumisi, "See? My Tart." pagmamalaki nito at sinagot na ang tawag ng asawa.

     "Hi, Tart, miss mo na'ko noh?" Ang laki-laki naman nang ngisi nito.

   Nangiti ako at tiningnan ulit ang anak ko.

   Nasaksihan ko nga ang pagpatong ng palad niya sa ulo ni Jonnie.

   Cace looks happy.

   But I still prefer for them to stay friends.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon