#19

48 1 1
                                        

-Hi! Sorry if wala'ng update for two weeks. Life happened. Chaaaaar.

(Jonnie)

Palabas na kami ng ice cream parlor nang may lumapit sa'min'g grupo nang mga kababaehan, nanghingi sila nang picture kasama kami'ng dalawa ni Cace. Siyempre hiya ako at first, pero may soft spot sa akin'g puso ang mga fangirls kaya tinapon ko agad ang hiya ko. I know it takes courage to stand in front of someone you adore. Omayggaad, english. Pero 'yun nga, bilang kapwa fangirl, gets ko sila. Kaya kahit JoCace ang tawag nila, pinalampas ko nalang. Pero sana naman, sana naman itigil na nila ang kaka-JoCace kasi tunog joke talaga.

     "Kahon, dumaan muna tayo sa iba'ng souvenir shop. May titingnan lang ako. Okay lang ba?"

   Isa'ng tango lang ang sagot nito.

   Sa paglalakad-lakad nga namin ay may mga nagkakantyawan na grupo nang mga teenagers. Ang gaslaw-gaslaw nang mga 'to at noon'g padaan na ang mga 'to sa'kin ay pasimple ako'ng hinila ni Cace palayo. Dahil naku, baka nabunggo pa'ko nang mga bata'ng 'yun.

   Napatingin ako kay Kahon.

     "Woaah." pang-aasar ko, "Gentleman." na may kasama pa'ng sayaw sa Gentleman ni Psy.

     "Baliw." nakangisi nito'ng reaksyon at napaakbay lang sa'kin. Ni-on niya ulit ang hawak na camera, nagtatanggal naman ako ng muta.

   Sa isa'ng souvenir shop na may tatak Pinoy kami pumasok ni Cace. Napa-woah talaga ako, amaze na amaze sa mga gawa'ng Pinoy na banig bags.

     "Astig nang mga 'to. Gaano katagal kaya nila 'to ginawa?" pagdaldal ko habang hinahawakan ang mga handbags. Tapos may nakita ulit ako'ng cute na sapatos.

     "Hala, bagay 'to kay Papa." tapos tiningnan ko ang presyo, namilog ang mga ko at binalik nalang sa pwesto.

     "Bakit?"

     "Medyo mahal, dude. Lipat lang ako. Magtingin-tingin ka lang diyan. Dun muna 'ko."

     "Okay."

   May mga etniko'ng tela rin ako'ng nakita, mga anklets, tapos may paypay, may pouch pa. Lahat 'yun gawa'ng Pinoy. Nakwento sa'kin nang isa sa staff na galing daw sa lovelihood programs nang mga nanay ang mga produkto nila. Ang iba pa ay gawa nang mga dati'ng nasalanta nang malakas na bagyo.

   Naglibot-libot pa 'ko sa shop. Iniisip ko kung ano ang bibilhin ko para kina Ligaya at Sixto pati na kay Pedro.

     "May nahanap ka na?" boses 'yun ni Cace.  

   Ngumisi ako.

     "Eto, pamaypay at handbag para kay Ligaya. Sombrero, kumot at anklet naman kina Sixto at Pedro."

     "Eh 'yun'g para sa'yo?"

     "Hindi na kailangan. Nanghihiram lang din naman ako kay Mama. Tsaka hindi naman talaga ako gumagamit nang maliit na handbag. Kaya nga nilalapitan ako parati nang mga saleslady kasi ang laki ng bag na dala-dala ko kapag nagwi-windowshopping ako." nangiti ako habang nagkukwento, hindi pa 'ko nagsusuklay tapos malaki pa bag ko, aakalain talaga nila may masama ako'ng balak sa mga paninda nila. You know, stereotypes.

   Tsaka, ilan'g libo na rin 'to'ng mga kinuha ko'ng produkto. Magiging dukha ako lalo kapag bumili pa 'ko nang para sa'kin.

   Nang bayaran ko na ang mga pinamili ko ay naiyak talaga ako sa total. Sarili ko'ng pera ang ginamit ko'ng pambili, naiwan tuloy na wala'ng laman ang wallet ko. Pero naisip ko na para rin naman kina Mama 'to tsaka makakatulong pa'ko sa mga nanay rin na may gawa noon'g produkto. Kaya kahit ang bigat maglabas nang tatlo'ng libo sa isa'ng bagsakan, tinanggap ko nalang ang akin'g kapalaran.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon