Jonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter 10
(Jonnie)
"Bakit ba kasi wala ako'ng superpowers?" nakapangalumbaba ako'ng tumitig sa kalangitan na makikita sa bintana ng kwarto ko.
"Bakit ba ang gulo kasi ng mundo? Bakit ba ang dami'ng mapagsamantala?" nagmoment na naman ako.
Kinuha ko backpack ko at dinukot mula sa maliit na bulsa ang cellphone. Nadatnan ko nga pagkabukas ko nito ang marami'ng missed calls ni Cace. Naluha naman ako habang binabasa mga texts niya.
Nasa bahay ka na ba?
Traffic?
It's been an hour since your last message. Nakatulog ka ba sa biyahe?
You're also not online. Baby, are you okay?
Jonnie? Please, answer the phone.
Are you home? Pasado alas nuwebe na.
Please tell me you're safe.
Pinindot ko ang call button habang sumisinghot.
"Jonnie? Ikaw ba 'to? Asa'n ka?" nangiti naman ako nang marinig boses niya. Ang sama ko ba kung sabihin ko na kinilig ako na nag-aalala siya sa'kin?
"Baaabuu. Kakauwi ko lang."
Rinig na rinig naman ang pagbuntong-hinga niya.
"Akala ko may nangyari nang hindi maganda."
"Ayos lang ako. Ligtas naman ako'ng nakauwi. Ikaw? Nasa kwarto ka lang ngayon?"
"Oo."
"Naghapunan ka na?"
"Two hours ago."
"Buti naman. Patulog ka na?"
"Hindi pa 'ko inaantok."
"Ako rin." pagod na pagod ako, pero hindi ako madapuan ng antok.
"Bakit natagalan ka sa pagsagot ng messages ko?"
"May ginawa lang ako rito sa bahay. Nakalimutan ko'ng mag-update. Sorry, babu."
"Ayos lang. Ang dami mo rin'g iniisip ngayon. Naiintindihan ko."
"Sobra'ng dami nga. Hindi ko na alam saan ko pa ilalagay ang iba."
"Sa'kin. Ilagay mo sa'kin."
Nangisi ako. Kinikilig ako na naiiyak.
"Sweet." pagbibiro ko kahit na namumuo na ang luha ko.