#9

39 2 0
                                    

(Cace)

"Kain na." pag-ulit ni Jonnie, siya rin ang nagdistribute ng mga paper plates. She made sure everyone has their own plates before she got one for herself. Pinauna rin niya kami sa pagkuha ng pagkain as she got busy with her phone, narinig ko nalang na minumura niya si Peter habang kumukuha ako ng pagkain.

   Nakasanayan na rin ng barkada ang pagtatalo ng kambal, parang may mali kapag wala'ng bangayan mula sa kanila.

     "Happy birthday again, Cace!" sigaw ng barkada habang may hawak na camera si Kean.

   Katabi ko lang sina Via at Kuya sa may sulok. Nag-uusap kami tungkol sa trabaho ko sa hotel habang kumakain, tapos narinig na namin si Peter na nagsasalita sa isa'ng wireless na bluetooth microphone.

     "Okay, everyone! Enjoy the food, dahil maya-maya ay may palaro tayo!" he was as energetic as his twin, and even asked for a round of applause.

   Natawa ako.

     "Kiddie party mo ata 'to." bulong ni Via na sinang-ayunan ko rin na may kasama'ng ngisi.

     "Siyempre, ang premyo ay...pera. Sponsored by our vlogger friend, Kean. Bro." na may pagturo pa kay Kean, "Palakpakan naman ulit tayo."

   At pumalakpak nga kami habang tumatawa, parang sanay mag-host sa isa'ng kiddie party si Peter sa mga galawan niya.

   Isa'ng guess the word game ang hinanda nila.

     "Jonnie, ikaw ang game master." pamimilit ni Peter noon'g naghahanda na ang barkada para sa laro.

     "Hoy ayoko. Sasali ako sa laro."

     "Hindi na. Ikaw na ang mag-game ma—"

     "Ayoko nga."

     "Hindi ka rin naman nananalo sa mga laro kaya—" sinapak ni Jonnie ang braso nito. "Masakit ha?!" bulyaw nito.

     "Ikaw nalang mag-game master. Galingan mo. Basta sasali ako. Kailangan ko'ng manalo."

     "Mukha'ng pera talaga 'to."

     "Marami ako'ng pinapakain na biik."

   Natawa kami. Jonnie's very competitive, lalo na kung may pera'ng involve. Pero 'yun nga, albeit being competitive, she's not that lucky when it comes to games.

     "Okay, guys, settle down. Settle down." Sica interrupted.

    "Ako ang magfla-flash ng words na huhulaan niyo. While si Peter naman ang scorer."

     "Hoy, Pedro, 'wag ka'ng mananabutahi ha?"

     "Galingan mo kaya sa laro para manalo ka?"

   Nanguso si Jonnie.

     "Okay, sino'ng sasali? We need three participants."

     "Count me in!" si Kuya na may pagtaas pa ng kamay.

     "Lance, Jonnie, one more. Sino pa? Okay, Alonzo."

     "Cace, 'di ka sasali?" tanong ni Peter.

     "Hindi na. Okay lang ako rito."

     "Sumali ka, tapos dapat ikaw ang manalo."

      "Hoy, Pedro, sinabi'ng huwag ka'ng manabutahi." asik bigla ni Jonnie.

     "Kahit na wala ako'ng gawin, 'di ka pa rin naman mananalo."

     "Aba. Tingnan lang natin."

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon