#46

46 1 0
                                    

(Jonnie)

Akalain niyo 'yun nakaka-isa'ng linggo na kami'ng in a relationship ni Cace? Hindi naman kami araw-araw nagkikita kahit na sampu'ng minuto lang ang layo ng building namin sa hotel kung magkokotse ka. Sa loob nang isa'ng linggo na 'yun, tatlo'ng beses kami'ng nagkita, sabay kami'ng mag-dinner tapos hinahatid niya 'ko pauwi. Tambay lang din muna siya sa bahay saglit, na-a-appreciate ko nga 'yun'g effort niya na makipaghalubilo sa mga magulang ko.

   Parang nililigawan niya pamilya ko, edi na-fall ako lalo? Mahalaga sa'kin ang pamilya, kaya makita lang ang jowa ko na nag-e-effort na mapalapit sa kanila ay talaga'ng plus points na sa'kin.

   Isa'ng linggo na nga mula nang sagutin ko siya, at hindi na muna namin pinaalam sa barkada. Natutuwa ako sa ganito e, 'yun'g kami lang muna, may balak naman din kami'ng sabihin. Pero sa ngayon, secret na muna namin ang relasyon na 'to. Binusalan ko na rin ang bibig ni Pedro para huwag magsalita, madaldal pa naman ang damuho.

     "May dumating na parcel para sa'yo." paalam agad ni Mama pagpasok ko ng bahay, kasama ko si Cace.

     "Album na po 'yun ng GoGoBoys." excited na naman ako. Tiningnan ko si Cace, 'yun'g rason talaga na pumunta siya sa bahay ay dahil dun. Sinabi ko kasi sa kanya na dumating na ang ni-order ko'ng album, gusto niya rin makita ang physical copy kaya nagpunta siya ng bahay. Mag-a-unboxing kami.

   Supportive ang jowa ko sa kabaliwan ko, matagal naman na niya'ng alam na dakila'ng fangirl ako. Alangan naman alisin ko sa pagkatao ko 'yun dahil lang sa nagkajowa ako.

   Tili'ng tili naman ako habang nag-a-unbox. Para ako'ng bata na lampas langit ang excitement na malaman kung ano'ng laman ng grocery bag ni Mama. Hinalikan ko pa ang individual poster ni Hyuk tsaka photo cards niya.

     "Happy?" ngisi'ng tanong ni Cace.

     "Nagvivideo ka?" may malaki'ng ngisi naman sa mukha ko.

   Tumango ang jowa ko.

     "Tingnan mo, tatlo'ng photocards ni Hyuk ang napunta sa'kin! Swerte ata talaga ako sa taon na 'to. Lord, thanks!" nag-fly kiss pa 'ko sa kisame, "You the best!"

   Nagpatuloy ako sa pag-a-unbox. Namangha naman ang boyfriend ko sa inclusions ng album, at nasabi niya na gets na niya bakit medyo mahal.

   Pinakita ko sa kanya ang akin'g fangirl side, talaga'ng sa gabi'ng 'yun, mas lumabas si hahyukayube. Kumuha ako ng pictures at ni-post 'yun sa hahyukayube account ako. Siyempre siniguro ko na wala'ng mahahagip, ayoko kasi malaman nila ang maganda'ng babae sa likod ng stan account.

   Tuwa'ng tuwa rin naman ata sa'kin si Cace, vinivideo niya halos lahat nang ginagawa ko. Pati paggiling ko nang nakaupo sa sahig dala nang tuwa sa ni-order ko.

     "Alam mo rin ang kanta'ng 'to?" gulat ako nang mag-hum siya nang Her Over Flowers. Nakaupo na kami sa sofa, nakaakbay sa'kin.

     "Oo."

     "Luuhh, 'yun'g totoo nakikinig ka sa kanta nila noh? Fanboy ka na noh?"

     "Actually, yes."

   Kinilig ako.

     "Magaling sila. Magaganda rin ang mga kanta." 

     "Aba siyempre." proud na proud ako.

Has a flower bloomed?
I can smell flower scents from somewhere

Did I grow a flower?
What should I do with you?
I keep liking you more

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon