(Jonnie)
"...I love you." bumabara na ang sipon sa ilong ko dala nang kakaiyak habang pinapanuod ang video ni Cace.
Napasinga ako, pang-lima'ng tissue ko na 'yun, maga'ng maga na rin ang mga mata. Una'ng minuto pa lang nung video umiiyak na ako, e mahigit sampu'ng minuto rin 'yun.
Napahiga ako, tumitig sa kisame, bigat-bigat ng mga mata ko. Dapat nagtatatalon ako sa kilig pero iba rin talaga pagkakaayos ng mga turnilyo sa utak ko.
Mabilis ako'ng napabangon nang mag-request to video call ang jowa ko.
"Baabbuuu!" ngumawa ako, umiiyak na naman pagka-konekta na pagkakonekta ng tawag.
Tinawanan na naman niya ako. Siguro mukha na naman ako'ng isda kakaiyak.
"Thank you, thank you sa ginawa mo. Hindi ko talaga ni-expect. Akala ko papaligayahin mo lang ako sa kama," napabuhakhak na naman siya kahit na umiiyak ako, "hindi naman ako nag-expect na may paganito ka."
"I knew you would cry."
"Sino ba'ng hindi? 'Yun'g mga sagutan mo tagos na tagos sa puso."
Tinitigan niya lang ako, ang soft nang titig niya. Lord, thank you for giving me this man talaga.
"Thank you for making m-me feel loved. T-thank you, babu." napapasinok na'ko habang nagsasalita.
Ang tagal ko rin tinanong si Lord kung bakit parang napag-iiwanan na ako ng tren. Kung bakit nagsisimula nang bumuo ng pamilya ang mga tao sa paligid ko tapos ako kung hindi fictional na lalaki ay mga crush pa na hindi naman nauuwi sa jowaan ang nagpapaiyak at napapakilig sa'kin. Pakiramdam ko tatanda nalang talaga ako'ng dalaga.
Tapos 'yun pala I wasn't made to ride on a train, naks. Napag-iwanan nga ako ng tren pero may naglatag naman ng plain ticket, business class pa.
"Alam mo narealize ko, hindi dahil sa marami'ng tao ang mas mabilis tumakbo kesa sa'kin ay ibig sabihin napag-iiwanan na ako. May kanya-kanya lang talaga tayo'ng pace sa buhay." Jonnie the philosopher, descendant of Plato, has awakened in me.
Ta's naiyak na naman ako.
"Sabi ko crucial na crucial ang 28 year ko sa mundo, sabi ko nun kapag hindi pa rin ako nakahanap ng lalaki na magmamahal sa'kin nang buo, magpopokpok nalang talaga ako." pagngawa ko sa harap ng camera.
"I thought you're gonna say you'd enter the convent." tawa'ng tawa naman si Cace.
Umiling-iling agad ako.
"Pero palagi ka'ng sinasabihan ni Tita Ligaya na magmadre ka nalang kung ayaw mo'ng mag-asawa diba?"
"Hindi ako si Maria Clara. She's not my spirit animal." paninindigan ko.
"Kung ganun sino?"
"Magdalena."
Nangisi siya.
"Pero wala'ng halo'ng biro, si Magdalena talaga, hindi dahil pokpok siya ha? Kasi sa totoo lang hanggan'g ngayon hindi rin naman ako sure kung pokpok talaga siya. Pero isa lang sure ko, she's an empowered woman, strong, independent, mayaman, loyal, matalino, may sense of leadership, iilan lang 'yan ha? Maliban sa pagiging maganda."
"Wala ba 'yun sa Bible?" mukha'ng interesado jowa ko kaya ginanahan tuloy ako'ng magkwento.
"'Yun na nga, babu, hindi naman talaga sinabi sa Bibliya na prostitute siya."
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...