(Jonnie)May iilan na tumatawag sa'min ni Cace habang naglalakad na magkahawak ang mga kamay. Nginingitian lang namin ang mga 'to, maygaadd feeling ko talaga artista ako sa pagkakataon na 'yun. Ganun pala ang feeling? Parang nakakahiya'ng humawak man lang sa ilong in public? O hindi kaya humikab? Ni magkamot ng mata at magtanggal ng muta, parang nakakahiya?
But, being the makalat person that I am since birth...
"Nautot ako." share ko lang kay Cace na sa pagkakataon na 'yun ay nakapatong na ang braso sa balikat ko.
Napatingin siya sa'kin na may halo'ng "ano'ng sinabi mo?" kind of face. Bahala na kayo mag-imagine, basta ganun.
Eh sa totoo naman talaga na nautot ako, parang natatae pa nga ata.
"Ang bigat ng tiyan ko." reklamo ko, ta's nangiti ako bigla, "umutot ulit ako, sorry."
"Okay lang, it's normal."
"Woah. Di ka natu-turn off?"
"Why? It's still better than cheating."
"Chaaar." nakangisi kami pareho. "Pero banyo nga muna talaga ako, natatae ako pero nagugutom din ako. Pero banyo muna ako."
At tuluyan na nga po ako'ng tinawag ng kalikasan.
Successful naman ang akin'g journey sa banyo. Ang gaan na nga ng pakiramdam ko pagkalabas na pagkalabas ko nang palikuran.
Balik ulit kami sa pagfi-film, ayun holding hands na naman; pero naghugas naman ako ng kamay noh, nag-alcohol pa kaya malinis ang kamay ko. Promise.
Dahil nga nailabas ko na 'yun'g mga kinain ko, wala na talaga'ng laman ang akin'g tiyan kaya nagwewelga na naman 'to'ng mga nasa loob ko. Pagdating namin ng bandstand ay hinayaan ko si Cace na siya muna ang mag-order kasi gutom na talaga si ako at wala na siya'ng makuha'ng matino'ng salita o reaksyon galing sa'kin.
Alam niyo 'yun'g ang taas-taas pa ng energy ko kanina, tapos bigla-bigla lang ako'ng tatahimik? Ayoko naman gawin'g excuse 'to pero lumalabas talaga sungay ko kapag gutom na'ko. Sinabi ko nalang kay Cace na wala na 'ko sa tama'ng hulog dala nang gutom, in fairness naman sa bata at hindi naman nangulit. Kalmado naman niya 'ko'ng ni-handle.
Speaking of handle, ako 'yun'g may hawak ng camera. Inayos ko 'yun sa ibabaw ng mesa at hinayaan lang mag-record habang abala ako sa Twitter tutal wala pa naman si Cace.
Napainom muna ako ng tubig at dahil tahimik ang timeline ko, nag-tweet nalang din ako. Binida ko na naman sarili ko, baka sakali isa sa followers ni hahyukayube ang magiging jowa ko in real life.
"HELLO NAMAN DIYAN SA BABAENG MAHILIG MAGBUHAT NG SARILI NYANG BANHKO." bigla'ng chat ni Chin sa GC."Alam mo ikaw Cynthia Denisse Catacutan-Flores? Bat ba updated ka pa rin sa tweets ko ha? WALA KA NAMANG FAN ACC!"
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
Romanzi rosa / ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...