Jonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter 1
(Jonnie)
Sigaw nang sigaw naman ito'ng si Sica nang sagutin ko ang tawag niya. Sa isip ko nun, nagpropose na ba sa kanya si Kean? O nanalo ba siya sa giveaways na sinalihan?
"Babe, asa'n ka?!"
"Nasa higaan. Nagkakamot ng tiyan. Bakit?"
"Day off mo ngayon diba?"
"Oo." napahikab ako.
"Tara, alis tayo."
"Excited ka ata. Anmeron?"
"Remember 'yun'g video na ni-take natin a month ago?"
"Oo."
"Umabot na siya ng 300,000 views!"
"Seryoso?"
"Yep. So far 'yun na ang pinakamarami'ng views sa lahat nang ni-upload ko'ng vlogs."
"Marami talaga'ng chismosa sa Pinas."
Tinawanan ako ni Sica, ang tinis pa naman nang tawa nang mahinhin na 'yun.
"Kaya ililibre kita, tara, lunch out tayo."
"Ayoko, pagod ako. Gusto ko nalang matulog the whole day."
"Ganun? Um, sige." may simpatya sa boses nito.
"So ano'ng balak mo ngayon? Ipagpapatuloy mo ba 'yun'g ganun na content?"
"I will still do vlogs about working out and interior designs pa rin naman. Pero from time to time gagawa siguro ako ulit nang ganun. Depende kung free pa rin kayo."
"Luh, ba't damay na naman ako? Hindi mo pa nga ako nababayaran sa video na 'yun."
"You always talk about money." reklamo niya.
"Eh sa wala naman ako'ng jowa tapos di pa ako crush nang crush ko, siyempre dun nalang ako sa kikita pa ako ano? Edi-date ko nalang sarili ko."
"I told you I'd set you on a blind date pero ayaw mo naman."
"Babe, ayoko nang ganun. I want love to naturally find me. Alam mo naman na ang awkward ko sa strangers."
"Sus, sabihin mo, gusto mo lang na 'yun'g crush mo ang maka-date mo."
"Sa kanya mo nalang kasi ako e-set up."
"Hindi ko nga kilala 'yun."
Napanguso ako.
"Pero, hey, kapag gumawa ulit ako nang ganun na vid. Sama ka pa rin ha? Kayo ni Cace."