#47

35 1 1
                                    

(Jonnie)

"Bukas pa weeksary natin." mga una'ng salita na lumabas sa bibig ko matapos ang mahigpit na yakap na 'yun.

     "Bukas pa ba?"

   Nanliit ang mga mata ko. Patay malisya pa siya kunwari.

     "I just want to be with you right now." ang sarap naman pakinggan nun. May mga paru-paru nga sa loob ng tiyan ko habang kasama ko siya.

     "Gusto rin kita'ng makasama ngayon. Nawala pagod ko, sa totoo lang."

     "That's good to hear." na may pagpatong na naman ng palad sa bunbunan ko. Frustrated pari ba 'to'ng jowa ko?

     "Dun tayo sa garden namin maglandian." hinila ko siya papasok ng gate, narinig ko naman ang pagtawa niya habang ginagawa 'yun.

   Nagpakita muna siya sa parentals ko, nagmano tapos kaunti'ng chika lang. Tatlo'ng slice lang nang red velvet cake ang dinala namin sa garden, dun kami naupo sa mahaba'ng kahoy na bangko, may kahoy na mesa din naman doon kasi madalas doon naglalagi si Mama lalo na kapag nagba-Bible study siya. Maaliwalas kasi, napapaligiran ng mga bulaklak na tanim ni Papa.

     "Tanim 'yan lahat ni Papa." binida ko ang iba't iba'ng klase ng mga bulaklak sa garden namin. Pasimple naman ako'ng kumakain ng red velvet cake na dala niya.

     "May tanim na rin ako ngayon."

     "Oh, talaga?" sinubuan ko siya ng pagkain, share kami ng laway. Maliban sa pagod ako maghugas ng kubyertos, gusto ko lang din talaga humarot.

     "Via introduced me to plant-parenting," nilunok niya muna ang kinakain, "Sabi niya part of self-care ang pag-aalaga ng living thing. Ayoko naman mag-invest sa domestic animals kasi nga abala ako sa trabaho, sinubukan ko na sa tanim nalang mag-focus."

     "Woah. Nabuhay ba naman ang tanim mo? Ano 'yun'g tanim mo?" chismosa na naman ang lola niyo habang kumakain.

     "Succulents, naalala mo 'yun'g wedding giveaway nina Via?"

   Napatango ako.

     "Hindi ko naalagaan 'yun nang maayos kaya namatay. Kaya bumili ako ng bago. I have two succulents now at home, may nilagay din ako'ng lucky bamboo sa opisina ko."

     "May favoritism ka sa mga anak mo."

     "Ha?" natatawa siya.

     "'Yun'g isa dinadala mo sa trabaho pero 'yun'g dalawa iniiwan mo lang sa bahay? Paano kung magrebelde ang mga 'yun?"

     "That won't happen, I give them fair and just treatment. Hindi ko nadadala pauwi ang bamboo plant, the same way as hindi ko nadadala sa trabaho ang dalawa. Inaalagaan ko sila nang patas."

   Nagpigil ako ng tawa. Ang cute niya'ng mangatwiran.

     "Ikaw nga hindi mo binibisita ang mga anak natin."

     "Hindi ko alam na may anak pala ako. Sure ka ba'ng ako nanay nila?"

   Napatitig siya sa'kin, parang namamangha.

     "I really can't win an argument against you, can I?"

   Bumungisngis ako.

     "Aaa." panlalandi ko sabay akto'ng subo sa kanya ng cake.

     "'Yun'g succulent ko naman buhay pa, pero hindi ako ang nag-aalaga kundi si Papa. Namulaklak na nga 'yun e."

     "Talaga?"

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon