#7

48 2 2
                                        

Chapter 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 2

(Jonnie)

"Mama. Gising pa po kayo? Mama? Ma? Madir? Mumsh? Mudrakels?" pagkatok ko sa pintuan ng parents ko, "Mother dearest?" pero wala'ng sumasagot. Hindi ako makatayo nang maayos, nakapilipit ako sa sakit ng tiyan ko. Parang may nagtatakbuhan na daga rito, what's up mga kakabag?

   Kumatok ulit ako, "Papa."

   At wala pa'ng iilan'g segundo ay pinagbuksan na ako nang akin'g gwapo'ng ama.

     "Yes, my daughter?"

     "Pa, masakit po ang tiyan ko."

     "Nak, hindi ako doktor."

     "Papa naman e." napapadyak ako tapos pumilipit ulit sa sakit.

     "Ano ba, Sixto? Papasukin mo na 'yan'g bata'ng 'yan."

   Napasilip ako agad sa loob ng kwarto nang marinig ko ang boses ni Mama.

     "Mama? Gising pa kayo?" gulat ako, gurl.

     "Humiga ka na rito, lalagyan ko ng langis 'yan'g tiyan mo." pero ang lamig ng tingin nang akin'g ina'ng reyna, parang mapapalo muna ako bago ako gamutin.

   At napasigaw nga 'ko nang kurutin ni Mama ang tagiliran ko pagkaupo na pagkaupo ko sa kama nila'ng may carebears na comforter.

     "Ano'ng sabi mo kanina? Matibay na ang sikmura mo? Matibay?" sinundot niya pa talaga ang tiyan ko.

     "Ma, sorry na po." marunong din naman ako'ng tumanggap nang pagkakamali.

     "Humiga ka na." utos nito at kinuha nga ang efficascent oil sa loob ng drawer katabi ng higaan kung saan gumagawa ng milagro ang akin'g mga magulang.

     "Bakit po hindi kayo sumagot habang tinatawag ko kayo?" usisa ko habang nilalagyan ni Mama ng efficascent oil ang akin'g tiyan. Mangangamoy na naman 'to'ng pusod ko panigurado, no choice kundi maligo talaga kinabukasan.

     "Para maturuan ka ng leksyon." ang harsh talaga nito'ng si Ligaya.

   Nanguso ako.

     "Buti nga 'nak, tumawag ka ng Papa. Kasi kung hindi, baka abutin ka pa ng umaga sa kakakatok."

   Si Papa talaga 'yun'g savior ko. Actually siya rin 'yun'g shield namin ni Pedro kapag napapagalitan o napapalo kami ni Mama. Once upon our childhood, nagtulungan kami ni Peter na kumupit ng tsokolate na nasa ibabaw ng ref, wala pa'ng bukas 'yun. Tapos nahulog 'yun'g glass bowl na katabi ng glass container na may laman'g tsokolate.

   Edi basag?

   Edi palo?

   Edi luhod?

   Edi iyak?

   Buti nalang dumating si Papa at pinakalma si Mama...pero hindi kumalma si Mama. Siya pa tuloy ang pinagalitan ni Ligaya.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon