(Jonnie)
Nag-file nga ako ng emergency leave para ipagpahinga ang pasa ko. Sinamahan din ako ni Cace sa dentista para masigurado na hindi napuruhan ang akin'g precious teeth. Pag-uwi ko ng bahay ayun napalo ako ni Ligaya kasi napa-trouble na naman ako.
Iniyakan ko naman ang message ni Misty sa'kin. Kaya kapag tumitingin ako sa salamin at nakita ko ang pasa ko, binabasa ko nalang ulit ang message niya tapos iiyak na naman ako na parang sira.
Alam ko malalagpasan ni Misty 'to, at kapag naghilom na ang sugat sa puso at pagkatao niya, alam ko mas magiging matapang siya.
—
Dala nang marami'ng nangyari, isama mo pa na may on-going ako'ng kaso laban sa mga tao'ng mapagsamantala online ay kinailangan nga namin ni Cace na mag-unwind. Palapit na rin ang fourth monthsary namin at matutupad na namin ang plano'ng out of town trip na kami lang.
May bahay sina Cace sa Batangas at dun nga kami maglalagi. Maganda rin para makatipid kami sa accommodation, mas mailalaan namin sa gas at pangkain ang pera.
"Sabi ni Mama huwag daw ako'ng uuwi na may pasa." nakapwesto na'ko sa front seat, naka-lotus position.
"Hindi ko maipapangako."
Nagtinginan kami.
"Malay mo, maging maaksyon pala ang gagawin natin dun."
Napakagat ako ng labi, kung makalandi naman 'to.
"Ang kotse mo ba ang gusto mo'ng e-drive o ako?"
Napangisi siya.
"Baka hindi tayo makarating ng Batangas sa lagay na 'to ha?"
"Depende kung magbi-behave ka."
"Behave naman ako ah." binaba ko nga ang manggas ng jacket ko para ipakita ang manipis na strap ng croptop ko.
Tinawanan niya lang ako. Sige lang, pigilan mo sarili mo.
Pasado alas diyes ng gabi kami lumuwas, eksakto na wala masyado'ng sasakyan sa daan. Hindi naman mawawala ang musika ng GoGoBoys sa road trip namin. Binaba ko rin ang bintana at hinayaan na pumasok ang malamig na hangin sa loob ng kotse. Pinikit ko mga mata ko, nakapatong ang ulo sa pasimano ng bintana.
"Their songs are always hopeful if not healing." kwento ni Cace habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Sunod-sunod na tumugtog ang Only One For Me, Second Confession at Remember That.
"Talaga?" May ngiti naman sa bibig ko, pikit pa rin ang mga mata.
"Parang nahanap na nila ang babae'ng para sa kanila pero pinaglayo sila because life happened, and instead of blaming the universe, they still hope that one day that woman will come back and they'll finally share a lifetime then."
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
Chick-LitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...