#3

54 2 1
                                    

(Jonnie)

Matapos magpaikot-ikot sa Marikina ay nahanap na nga namin ang samgyup house na sinabi ni Sica. Pero plot twist, ang dami'ng tao, punuan sa loob tapos pang-apat kami sa waiting list. Sinabi ni Cace na lipat nalang kami pero sadya'ng may attitude talaga ang Lola niyo at ayaw umalis. Samgyup ang gusto ko, at magwawala ako panigurado kung umuwi ako na hindi nakakapagsamgyup. So ang kinalabasan, naghintay kami sa labas ng restaurant. Tumahimik na rin ako kasi gutom na talaga ako, para ako'ng dragon na kapag hinawakan mo saglit ay bubuga na ng apoy.

     "Ba't ka tumatawa?" nakabusangot talaga ako tapos napansin ko pa na tiningnan ako ni Cace at bigla'ng nagpigil ng tawa.

     "Gutom ka na noh?"

     "Obvious ba?"

     "Kaya nga, sabi ko nga."

     "Tumahimik ka kaya muna? Baka ikaw 'to'ng kagatin ko, gutom na 'ko kanina pa."

   Inakbayan niya 'ko, "Makakakain ka rin. Patience is a virtue."

     "Bigat ng braso mo, alisin mo 'yan."

     "Ang sungit-sungit naman nito."

     "Maglaro ka na lang diyan sa cellphone mo."

     "Opo, Ate."

   Thirty minutes ang pag-aantay namin sa labas bago tuluyan na makapwesto sa bakante'ng mesa. Ang bango-bango ng paligid, tapos kumakalam na ang sikmura ko. Matapos namin'g mag-order ay uminom muna ako ng tubig, habit ko na ang uminom nang isa'ng baso ng tubig thirty minutes bago kumain. Let's practice self-care, because I love my life kahit wala ako'ng lovelife but I should live longer kasi kailangan pa ako nang pinagfa-fangirlan ko.

   Napa-squeal ako nang e-serve na ang beef samgyup at bulgogi, may soju at beer pa. Who needs jowa when you have food naman talaga?

     "May pinopormahan ka ba ngayon?" tanong ko kay Cace.

     "Wala."

     "Sinungaling, ba't busy ka sa cellphone mo parati?"

     "Nagsalita ang hindi makaalis sa Twitter dahil sa pagfa-fangirl."

   Namilog ang mga mata ko habang may sinusubo'ng pagkain.

     "Hoy! Alam mo na may fan account ako?"

     "Oo." kaswal na pagtango nito habang busy sa niluluto'ng pork belly.

     "Putangina talaga ni Pedro."

     "Hindi naman mahirap malaman. Naka-public kayo'ng dalawa sa Twitter tapos nagsagutan pa kayo one time." badtrip, pina-delete ko nga agad kay Pedro 'yun'g reply niya sa dati ko'ng tweet para hindi ako mahuli tapos nakita na pala ni Kahon.

     "Alam din ba 'to nang iba natin'g barkada?"

     "Malamang."

     "Omayggaaad." bigla ko'ng naalala.

     "Bakit? Naiwan mo pitaka mo?"

     "Gago, hindi."

     "Ano?"

     "Baka alam din ng Mama ko na may fan account ako na exclusive for my makalat self."

     "Malamang sa malamang."

     "Oh no," napasubo ulit ako ng pagkain, "Pero bakit hindi pa ako napapalo ni Ligaya?" napasubo ulit ako, "Hoy, kinakabahan ako. Baka naghahanap lang ng tiyempo si Madir para palayasin ako." at isa'ng subo ulit ng pagkain.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon