Jonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter 16
(Jonnie)
Huli'ng buwan na ng taon, eto maganda pa rin ako. Ang dami ko'ng naka-schedule na gala kasama ang akin'g mga girl friends. 'Di pa naman kami nagtatalo ni Cace tungkol dito. Pero di tayo sure diyan.
Ang dami'ng nagbago sa mga dumaan na buwan, halos araw-araw na nga kami'ng nasa condo ni Cace. Marami-rami'ng damit na rin ang nailagay namin dun. Semi-live in kumbaga ang amin'g set up. Trainee period ko bilang Mrs. Termulo chaaaar.
Kalma, wala pa ako'ng natatanggap na singsing.
Hindi naman siguro magpo-propose jowa ko sa araw ng Pasko ano? Aagawan pa namin ng moment si baby Jesus?
"Uy, Miss Jonnie." napaigting ako nang may tumawag sa'kin at may paghawak pa sa balikat ko. Kung makaganun, close ba kami?
Ramdam ko na magkasalubong ang kilay ko na tumingin sa lalaki.
Sino nga ba 'to ulit? Familiar siya pero 'di ko matandaan saan ko siya una nakita.
Omg. Could this mean...may amnesia ako?
"Gary." pagpapakilala niya.
Ah! Naalala ko na!
"Ahhh! Gary! Hello, hello, kumusta?"
"Eto, ayos lang. Paupo ah?" tinuro niya ang bangko sa tapat ko.
"Sige lang."
"Hinihintay mo si Chief?" kumakain nga ito ng bingsu sa harapan ko.
"Oo. May tinatapos lang siya saglit, masyado'ng napaaga lang ang punta ko."
Tumango-tango siya.
"Going strong kayo ah?"
Ngumiti ako.
Aba siyempre, kami pa?
"Mabuti naman, para hindi rin sayang 'yun'gpagpaparaya ni Ms. Luna." hininaan niya 'yun'g boses niya sa banda'ng huli. 'Di naman ako bingi.
Pero mukha'ng gusto niya ata 'yun na marinig ko, kasi kung hindi edi sana sinarili nalang nila 'yun ng utak niya.
"Nagparaya?"
"Hindi ba nakwento sa'yo ni Chief? He rejected her, kaya umalis ng kompanya si Ms. Luna."
So bakit parang ako pa kontrabida rito?
"Kailan nangyari 'to?" siyempre kunwari hindi ako apektado. Chill ako'ng kumakain ng cheesecake.
"Noon'g...noon'g tulog ka. Nagulat nalang ako na nag-alsabalutan na siya, parang kailan lang maayos naman sila sa trabaho. Pati nung team building, sila 'yun'g captain at co-captain. They were pretty close. Tapos 'yun nga nang mangyari 'yun'g sa'yo, parang ilang na si Chief. Hindi ko alam kung nag-away ba sila kaya humantong sa resignation ni Ms. Luna. Wala naman sila'ng kinwento na dalawa."