#43

45 3 4
                                    

(Jonnie)

Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag 'yun'g kaba ko habang hinihintay si Cace. Natataranta ako, parang sasabog na 'yun'g puso ko napakaewan lang. Kailangan ko nang maging handa for mature roles talaga.

   Sinandal ko nga ang noo ko sa likod ng pintuan ko at inikot ang buo'ng katawan ko habang nakadikit pa rin ang noo sa pintuan. Naboboang na talaga ako, feeling ko iisipin ni Cace na wala ako'ng pakialam sa feelings niya. Na baka dinedma ko na 'yun'g pagpapakatotoo niya.

     "Bakit kasi hindi mo nalang dineretso e?!" inaway ko sarili ko at bumagsak sa sahig.

     "Lalandi na nga lang, may pa-secret code pa." mas lalo tuloy ako'ng nainis habang naiisip ko ang ginawa ko.

   Tiningnan ko naman ang group chat namin nina Chin, pinagtatawanan lang nila ako kasi dinamay ko pa ang kawawa'ng noodles.

   Tiningnan ko naman ang group chat namin nina Chin, pinagtatawanan lang nila ako kasi dinamay ko pa ang kawawa'ng noodles

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   Bumalikwas ako at nagmdali'ng lumabas ng kwarto. Sa sala, kumakain ng prutas si Mama habang nanunuod ng teleserye, nagkakamot naman ng tiyan si Papa sa tabi niya.

     "Sa'n ang punta?" usisa agad ni Ligaya.

     "Sa labas lang po, parating si Cace e." madali ko'ng sagot at hindi na nga nagbigay nang sapat na paliwanag sa mga magulang ko.

   Maglandian lang kayo diyan akin'g parentals at palandi na rin ang inyo'ng unica hija na gwapa.

   Tiningnan ko ang cellphone ko, wala pa'ng isa'ng minuto ay nagpop-up na nga ang message ni Cace na nasa kanto na raw siya. Parang naiihi tuloy ako sa kaba, juskolord, eto na ba talaga 'to? Aamin na ako? Teka lang, me is not prepared.

   Nanghina tuhod ko kaya napaupo ako sa gutter, inamoy-amoy ko ang kili-kili ko, hindi naman mabaho, hindi rin mabango. Sakto lang. Ni-check ko rin ang amoy ng bunganga ko, wala rin naman'g amoy. 'Yun'g buhok ko amoy menthol pa rin naman, medyo pawala na nga lang 'yun'g amoy pero naamoy pa rin naman ang menthol. Kinamot ko ang anit ko tapos pag-amoy ako ay aba, ayun na, ramdam mo talaga na nakipagbakbakan ako sa ilalim ng hari'ng araw.

     "Sana ba naligo muna ako?" nasa loob ng utak ko nun, "Hindi naman siguro siya matu-turn off kung yayakap ako sa kanya tapos amoy araw 'to'ng ulo ko diba?" oo, problemado lola niyo.

   Hay, tears.

   Kinalma ko sarili ko sa pakikipagchat kina Chin at Misty. I need my pokpok girls to back me up kasi kinakabahan talaga ako. Nubayan.

   Napatalon naman ako sa kinauupuan ko nang maaninag ko na ang headlights sa sasakyan ni Cace. Automatic ako'ng napalunok, watdapakers eto na 'to. This the day, the day that the Lord has made.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon