(Jonnie)
Nagkita kami ni Sica matapos ang trabaho ko. Tuwa'ng tuwa ito sa bilis nang pag-increase daw ng videos niya dahil sa viral clip sa Facebook. Naging meme pa 'ko. Kaya ayan, kalat na kalat na sa social media ang mukha ko. Buti nalang talaga maganda ako.
"Magkakapera ba ako diyan?" 'yun talaga ang concern ko.
"Don't worry, babe. Magiging fair ang bayad ko sa exposure mo. Isipin mo nalang ako ang manager mo tapos artista ka. Diba pangarap mo naman talaga mag-artista?"
"Gusto ko lang naman mag-artista dati para magkajowa ako ng gwapo. Pero nag-iba na'ko ngayon, gusto ko nalang maging non-showbiz girlfriend ni Hyuk."
"Baliw."
"Pero seryoso na, bayaran mo 'ko ha?"
"Promise. Basta ba sasama ka ulit sa susunod na vlog."
"Ano na naman ba'ng gagawin ko? Friendship chenelar na naman?"
"Hindi na. After two months ko pa balak gumawa ulit nang ganon. Iba naman ang gagawin natin. We should strike while the iron is hot."
Kumagat ako ng tinapay.
"Ano ba ang kailangan ko'ng gawin?"
"Mag-guest ka ulit sa vlog ko. Um, tayo'ng dalawa lang. Wala muna si Cace, baka kasi mailang ka."
"Ba't naman ako maiilang? Wala naman'g kaso sa'kin 'yun, napipikon lang ako sa mga tao na binibigyan ng meaning ang mga bagay kahit wala naman talaga."
"Uminom ka muna. Nag-iinit na naman ang ulo mo."
"Chill pa 'ko sa lagay na 'to."
Nginitian ako ni Jessica Rose.
"Oh, before I forgot. Bukas daw ilalabas ni Kean ang vlog during Cace's birthday. Eksakto naman na ngayon'g araw ka pa talaga nag-viral. For sure, mas makaka-attract ka ng netizens sa vlog ni Kean."
Ang lawak pa naman ng reach ni Kean sa social media. Maganda rin naman kasi ang pagkaka-edit niya ng vlogs niya, lumalabas-labas na nga sa mga lifestyle shows ito dahil sa kasikatan galing sa internet. Minsan nakakainggit din talaga 'yun'g mga may talent sa art, nagagawa na nga nila ang passion nila, nagkakapera pa sila.
Ako, masipag lang.
"Sana naman huwag niya'ng kalimutan na kapag umabot nang isa'ng milyon ang views nang vlog na 'yun ay may 10% ako sa sweldo niya."
"I can assure you na hindi niya nakalimutan."
"Dapat lang. Dahil maniningil talaga ako."
Nakakaloka na pati sa kompanya ay kalat na nga ang video namin ni Cace. Akala talaga nila magjowa kami? O nagtataguan lang ng feelings? Takot maglevel up kasi baka masira ang friendship? Nakakatawa. Bawal na ba talaga'ng maging ganun ka-komportable ang magkaibigan na babae at lalaki? Pero baka tama rin si Chin, mawawala rin isa'ng araw ang clout tungkol sa video na 'yun. And as long as nadadagdagan ang engagements ni Sica sa vlog niya, hayaan ko nalang. Maliban sa pera ay masaya rin ako kung magkakaroon nang malaki'ng following ang kaibigan ko sa new path na tinatahak niya. Aba at kung makakatulong naman pala ako, edi go. Mag-assume lang kayo'ng lahat mga netizens.
Pagdating ko ng bahay ay tambay na ulit ako sa fan account ko. Nakakaloka pati si Misty nag-post na tungkol dun. Nagpaparinig din sila ni Chin sa group chat namin.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...