#73

42 1 0
                                    

(Jonnie)

Nobyembre na, nagsimula ang buwan na'to na nasa Cebu ako kasama sina Mama at Papa. Maliban sa paggunita sa Araw ng mga Patay ay binisita rin namin ang lupa na binili namin ni Pedro bilang regalo kay Papa. Malayo 'yun sa kabihasnan; ang taray nang kabihasnan, pero 'yun nga, nasa bukid siya. Mahigit tatlo'ng oras ang biyahe mula sa sentro ng Cebu. Natapos na kasi ni Papa ang ginawa niya'ng plano para sa bahay na ipapatayo niya, at sa susunod nga na taon magiging abala siya sa pag-uwi-uwi rito.

   Eksakto'ng lima'ng araw na kami'ng hindi nagkikita ni Cace sa personal. Miss na miss ko na 'yun'g yakap niya tapos 'yun'g amoy niya. Nagsesend naman kami ng selfies habang hindi kami magkasama pero gusto ko pa rin siya'ng mahawakan.

     "Gusto kita makita 😞" ang naging chat ko sa kanya bago matapos ang araw ko sa trabaho.

     "Sunduin kita diyan." agad na reply niya. Napangisi naman ako at mabilis na nabalot nang excitement ang buo'ng pagkatao.

   Naalala ko 'yun'g naging usapan namin tungkol sa kasal, handa na siya'ng pakasalan ako at kahit na kinikilig ako, hindi ko pa pwede'ng tanggapin ang proposal niya. I don't know if it's the Capricorn in me pero hayok na hayok talaga ako sa stability. Kapag may goal ako, talaga'ng sinusunod ko, hindi dapat ako ma-distract. Kaya kahit kati'ng kati na ako'ng makasama si Cace sa iisa'ng bubong ay huwag muna. Pigil muna.

   Tsaka isa pa, ayoko muna umalis sa puder nina Mama. Feeling ko iiyak ako kapag bumalik na sila ng Cebu. Kaya habang nasa iisa'ng bahay pa kami, susulitin ko muna ang mga bagay-bagay.

   Eh kaso, nami-miss ko rin jowa ko kaya sa gabi'ng 'yun, doon ako matutulog sa tabi niya.

     "Yes, the one I mentioned earlier about your report, I'm currently studying the products you've presented...yes...we...um, I found other alternatives that are cheaper in price yet sustainable..." hindi niya ako napansin na lumabas ng banyo, nakapag-half bath na'ko at handa nang matulog. Si Cace naman mukha'ng abala pa rin sa trabaho. May nakabukas na notebook sa tabi niya, kaharap ang laptop at may kausap sa tawag.

   Naupo ako sa dulo ng kama, dinampot ko ang cellphone na pinatong ko lang dun. May na-mention si Cace na technology at eco-friendly, mukha'ng matatagalan pa siya.

   Kinunan ko siya ng picture.

   Tinitigan ko siya pagkatapos, nagkamot siya ng ulo habang may pinapaliwanag sa tawag. Nahiga ako, tinitigan ang kisame ng kwarto. Wala sa'kin ang atensyon niya pero magaan ang pakiramdam ko kasi magkasama kami.

     "Mm, okay, let's discuss more of this tomorrow. Yes, it would be good if you'd prepare a short presentation...mm..." bumangon ako at nilapitan siya, mukha'ng patapos naman na sila'ng mag-usap, baka pwede na ako'ng maglambing.

   Napayakap ako sa leeg niya, pinahinga ang ulo sa balikat niya. Gusto ko'ng maglambitin, gusto ko maramdaman siya.

     "Yes, before lunch is fine." hinaplos niya ang braso ko na nakayakap sa kanya.

     "Okay...good night, too."

   Nagtinginan agad kami pagbaba niya ng tawag.

     "Hindi ba 'yun pwede ipagpabukas?"

     "Hindi ko na-review agad ang report ni binigay ni Engineer Luna kanina kaya ngayon ko nalang ginawa."

   Engineer Luna. Familiar.

   Ah! 'Yun'g babae'ng may crush sa kanya.

     "Crush ka pa rin ba niya?"

     "Ha?"

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon