Wala ako'ng idea sa kung ano ang mangyayari sa shoot na'to, kami ang una'ng pair na sasalang. Hindi naman 'to kagaya nang sa mga naglalakihan'g TV station pero kinakabahan pa rin ako kasi hello? Marami-rami rin naman'g subscribers si Sica, at paano kung magkalat lang pala ako? Sanay ako'ng magkalat sa fan account ko kasi wala naman'g nakakakilala sa akin doon. Pero ngayon, haharap ako sa camera. Mama, artista na ako, Mama! I hope I made you proud. Tsaka isa pa, first time ni Sica na gumawa nang ganito'ng klase ng video, kaya nakaka-pressure rin talaga.
"Kain ka muna." inabutan ako ni Cace ng chips, kanina pa lamon nang lamon ang bata'ng 'to. Panigurado kinakabahan din siya.
"Guys, alam niyo na ang gagawin ha? Parang interview lang 'to. Hindi naman magtatagal ang shoot kasi konti lang ang questions."
Tumango ako. Kung hindi ko lang talaga mahal 'to'ng kaibigan ko at kung hindi ako nasilaw sa porsyento na matatanggap ko kapag nabayaran na siya ng YouTube ay talaga'ng hindi ako papayag.
"Okay, we'll sta-"
"Langhiya, sandali!" napatili ako.
"Why?"
Tiningnan ko si Cace.
"Maganda ba ako? May maaakit ba ako after ng video na 'to?"
"Ano?" sabaw naman ata to'ng kapatid ni Lance.
"Babe, maganda ang register mo sa camera. Chill." pinakalma ako ni Sica na nakatutok lang ang mga mata sa camera niya.
"Ready ka na?"
I breathed in and out. Narinig ko ang tawa ni Cace kaya agad ko ito'ng napalo sa hita.
"Tawa-tawa ka pa."
"Sabi nga ni Sica, magrelax ka lang."
"Nagrerelax na nga diba? Eto na."
"Guys, start na talaga. Introduce yourselves first, okay? In 3, 2, 1."
The camera started to roll.
"Hello, everyo-" nahinto ako para bumuhakhak, ang laki ko pa naman'g bungisngis. "Sorry, sorry." ngisi'ng ngisi pa rin ako. Bigla'ng pumasok sa isip ko 'to'ng ginagawa ko, nahihiya ako na natatawa. "Ulit. Ulit." naging reaksyon ko at nagseryoso ulit sabay tingin sa camera.
"Hello, everyone. This is Cace."
"And I'm Jonnie."
"And we're here to do the friendship game."
And cut.
"After five takes, nagtino rin kayo sa introduction."
Tawa lang kasi kami nang tawa ni Cace. Kapag naririnig namin na nagsta-stutter ang isa ay automatic na mapapabungisngis na kami.
"So ano? Gusto mo pa rin nang ganito'ng content? Magfocus ka nalang kasi sa work out at interior design tips mo."
"Gusto ko iba'ng flavor naman."
Napakunot ako ng noo.
"Inom muna ako ng tubig." nasabi ko sabay tayo at kinuha ang tumbler ko. "Cace, tubig?"
"O." simple'ng sagot nito habang tinitingnan ang cellphone.
Matapos namin makainom ay balik na ulit kami sa upuan at ipagpatuloy ang vlog chenes na 'to.
The first question was, "How long have you been friends?" Ses, ang sisiw.
Pareho ang sagot namin, nine years, ang tagal na rin pala. Nakilala ko lang si Cace kasi kapatid siya ni Lance na blockmate ko noon'g college. Actually, kami'ng magbabarkada ay nabuo lang sa isa'ng block. Tapos noon'g nag-college na rin si Cace at same course and department din naman kami, tapos nasasali na rin naman siya kapag may gala ang barkada ay talaga'ng nagdisesyon na kami na e-adopt nalang ang bunso'ng kapatid ni Lance. Kaya nakita ko rin paano nag-bloom from Totoy Bibo to Don Romantiko ang bata'ng 'to.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...
