#27

31 0 2
                                    

(Jonnie)

Bago matapos ang zumba ay umexit na kami, kailangan ko na kasi'ng bumalik sa pwesto ko kung saan nakahanda na ang mga pagkain'g ready to distribute para pananghalian ng mga tanders.

     "Bagay kayo." Panunukso noon'g tatay na katabi ko kanina sa zumba.

   Nagtinginan naman kami ni Cace.

     "Tao po kami."

   Mas lalo pa'ng nanukso 'yun'g ngiti at tingin ni Tatay sa'min.

     "Ay, naku, Tay. Gutom o uhaw lang po ata 'yan. Eto po, enjoy yo—"

     "'Yun'g huli'ng sinabihan ko na bagay sila, ikinasal na."

   Weh?

     "Talaga po? Sino?"

     "Sina Ma'am Via at Sir Lance."

     "Ay, bagay naman po talaga sila kahit sino pa po tanungin niyo." nagtinginan kami ni Cace, parehas kami'ng nakangiti, ta's tumingin ulit ako sa matanda.

     "Pero sige 'tay, susugal ako sa powers niyo. Teka lang." dinukot ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ang picture ng crush ko na ninakaw ko pa sa Twitter.

     "Eh, ito 'Tay? Sabihin niyo nga'ng bagay rin kami."

     "Mas bagay kayo." kay Cace siya tumuro.

     "'Tay, titigan niyo nang maigi. Bagay kami diba?"

     "Mas kayo nga ang bagay." pinipilit niya rin talaga si Cace.

     "Tay, rarasyonan kita sa susunod ng carrots at kalabasa para pampalinaw po ng mata." binalik ko nalang ulit sa bulsa ang cellphone ko.

     "Edi mas lalo na kayo'ng babagay nun sa paningin ko."

     "Tao nga po kami."

     "Bagay."

     "Tao po."

     "Bagay nga."

     "Sumbagay nalang ta, 'Tay." nagmamakaawa 'yun'g boses ko. Napabisaya pa 'ko.

   Ibig sabihin lang naman nang sinabi ko ay, suntukan nalang po tayo.

   Napapatong si Cace ng palad sa ulo ko, ngisi'ng ngisi ito. Gets niya kasi 'yun'g sinabi ko eh, madalas namin'g sinasabi kasi 'yun ni Pedro sa isa't isa.

Simula na nang tanghalian, nakapila na rin ang mga tanders. Nagpaalam na naman si Cace, nagtext na nga raw kasi ang Mama niya. Tumango ako at kumaway sa kanya, maging si Via na katabi ko lang ay tumango at nagsabi ng ingat sa brother-in-law niya.

   Buo'ng araw ako sa nursing home, nakauwi na si Via at Mommy niya. Ako naman, naglilinis ng grounds at nag-segregate ng basura bago ako umalis. Medyo natagalan pa ako kasi napapa-loading 'yun'g utak ko kung nabubulok o hindi nabubulok 'yun'g hawak ko'ng basura.

   Pasado alas nuwebe na tuloy ako'ng nakauwi ng Mandaluyong. Nanunuod ng Gabi ng Lagim episodes si Papa, si Mama naman nasa kwarto na raw, for sure nagbabasa ng Bibliya.

   Bago ako nagpahinga sa araw na 'yun ay nagbabad muna ako sa fan account ko.

   Ingay-ingay na naman ni Chin a.k.a tangsuhyuk.

🌻
A Little Bit of Something
Updates every Wednesdays & Thursdays

🌻A Little Bit of Something Updates every Wednesdays & Thursdays

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon