#15

49 2 0
                                        

Chapter 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 4

(Jonnie)

"Luuh, boang naka, Jessica Rose?" parang nabingi ako sa sinabi ni Sica sa tawag.

   Magpanggap?

   Jowa?

   Jojowain ko si Cace?

   Are we in a Kdrama sizt?

     "Lasing ka ba, Sica?" nagsalita na rin si Kahon.

     "I'm not." pero nakatawa naman ito.

     "Hoy, Sica, kung drunk call lang pala 'to pwes tapusin na na—"

     "Guys, seryoso ako. I need your help. Please? It's for my vlog."

   Nagsalubong lalo ang mga kilay ko.

     "Para sa vlog? Paano?"

     "Familiar ka naman sa mga challenges na binibigay ng subscribers sa vloggers diba?"

   Unti-unti na ako'ng nalinawan.

     "Ah, so challenge lang?"

     "Of course! Well, depende rin kung gusto niyo'ng totohanin."

     "Utot mo."

   Tumawa lang ulit si Jessica Rose.

     "Why do we have to do the challenge? It's your vlog." lohikal na tanong ni Cace.

     "It's because they want me to do a double date with the both of you. Kami ni Kean, tapos kayo."

     "But we're not together."

     "I know. Pero 'yun nga, matagal na rin'g nagco-comment ang mga subscribers ko nang 24-hr jowa challenge daw sa inyo'ng dalawa."

   Gusto ko nga'ng e-block ang mga comments na 'yun. Pati sa IG posts ko nagkalat sila, lalo na sa mga posts na kasama ko si Cace. Duh, group picture naman 'yun pero kilig na kilig sila. Tapos 'yun'g Twitter ko palagi'ng sabog sa notifications, tinatag ako, kami'ng dalawa ni Cace.

     "You know that the netizens are shipping you, guys."

   Umandar na ulit ang sasakyan.

     "How will they stop if we keep on feeding them? Mas lalala lang ang ilusyon nila."

   Napatango-tango ako. Agree ako kay Cace.

     "Promise last na talaga 'to'ng favor na 'to. Pagbibigyan ko lang sila, after nun hindi ko na kayo kukulitin. Promise talaga. I just need your help for this one, last na 'to. I swear." nai-imagine ko ang mukha ni Sica, kung sa personal siguro 'to baka lumuhod na siya.

   Nagtinginan lang kami ni Cace.

     "Gusto mo ba?" tanong niya at sa daan ulit tumingin.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon