#59

43 0 0
                                    

(Jonnie)

Nauna ako'ng magising kesa sa alarm clock ko. Pasado alas kwatro nang madali'ng araw at nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto. Nanatili ako'ng ganun hanggan'g sa magsimula nang tumunog ang alarm. Matapos ko'ng e-off 'to ay sinubsob ko muna mukha ko sa unan at pinikit ang mga mata.

   Mabilis lang din ako'ng bumalik sa ulirat at bumangon na. Nagkakamot nga 'ko ng tiyan na humarap sa salamin. Nagtanggal naman ako ng muta habang humihikab, tapos nun nag-stretching na ako.

     "Good morning the ever beautiful Jonnie Dimagiba. Happy birthday, girl, God bless you, Mama Mary loves you." at napahalik pa ako sa sarili ko sa salamin.  

   Nginisihan ko muli ang akin'g sarili at lumabas na ng kwarto na may magaan'g awra. Sa sobra'ng gaan ay napatalon-talon pa 'ko sa paglalakad.

     "Happy birthday!" para naman'g tumakbo kaluluwa ko sa sigaw nila Papa, Mama at...jowa ko?!

     "Hala!"

     "Happy birthday, baby." hawak niya ang cake at napahalik pa sa sintido ko. Gulat na gulat naman ang lola niyo, hindi nakagalaw. Sure ako hindi 'yun panaginip.

     "My daughter, kanina pa'ng alas tres nandito si Cace. Tumulong siya sa Mama mo sa paghahanda ng baon mo sa trabaho."

     "Hipan mo muna kandila mo, Jonnie." Ligaya, the ever serious Ligaya.

     "Aga ko naman mag-blow ng kandila, wala pa po ako'ng toothbrush."

     "Ayos lang 'yan."

   Mama talaga.

     "Wish ka muna, my daughter."

   Nangiti ako.

   Ano pa ba'ng ewi-wish ko?

   Wala. Wala ako'ng hiningi maliban sa mas palaguin pa ang pagmamahalan na meron sa pamilya, barkada, at siyempre sa amin'g dalawa ni Cace.

     "Yeeyy!! Happy birthday our inday!" si Papa 'yun'g hyper na hyper.

   Napaakbay naman sa'kin si Cace habang nasa isa'ng kamay niya ang cake.

   Sa araw na 'yun, I'm officially 28 years old. It's been a long time coming but I'm here now, chaaar.

   Nagbawas muna ako sa banyo at ginawa ang akin'g morning ritual. Paglabas ko nga ay naka-video call na si Papa kay Pedro.

     "Happy birthday, Pedro!" pagalit ko'ng bati sa kakambal ko.

     "Happy birthday, shoks! Ew!"

   Binelatan ko siya sabay akbay kay Cace na nakapwesto na sa upuan.

     "Meron din ako." pinakita nga niya si Bea na kumakain ng sandwich.

     "Happy birthday, Jonnie."

     "Thank you, Doc! Hearteu." binigyan ko siya nang malaki'ng heart, 'yun'g pina-Mcdo.

     "Magbihis ka muna ron, Jonnie." eto na naman si Ligaya. "Galaw ka nang galaw baka matanggal pa 'yan'g tuwalya mo."

   Mama naman, nakita naman na ng jowa ko ang lahat-lahat sa akin. Bawat sulok na-explore na niya, Mother Ligaya, FYI.

   Pero dahil birthday ko ay magpapakabait muna ako kay Mama. Extra obedient ako sa araw na 'yun kasi nga 28 years ago, naghirap siya sa ospital para mailabas lang kami ni Pedro.

   Nagbihis na muna ako at nag-blow dry ng buhok bago bumaba ulit. Nakaayos naman na ang pagkain sa plato ko, tapos kinilig ako nang malaman ko na jowa ko pala naglagay nung food.

A Little Bit Of Something (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon