(Jonnie)
Napalakas ang pagbuntal ni Pedro nang kanya'ng kamao sa speed ball. Medyo sumakit nga tenga ko saglit, parang sasabog na rin ata 'yun'g bola, hilo'ng-hilo ba naman sa lakas nang pagkakasuntok.
"Ano?! Sino?!" malakas din boses niya, alam niyo 'yun'g akala mo kung sino'ng tigasin pero kung maka-react parang handa'ng manabunot?
Pawisan na ang buo'ng katawan nito, kanina pa ba naman siya pabalik-balik sa pagsuntok-suntok. Nasa gym ulit kasi kami ng Tito ni Bea, balak ata'ng magpaborta ni Pedro bago ang kanya'ng kasal samakalawa.
"Pagod ako'ng ulitin, anubayan, narinig mo na naman e."
"Bakit ka niyaya ng hapunan?! Diba may asawa na 'yun?! May anak pa nga. Ungas ba talaga siya?!" no chill si Pedro.
"Hiwalay na raw sila nung asawa."
"O eh ano ngayon?! Bakit ka bigla'ng binalikan?!"
"Hindi naman ako makikipagbalikan."
"Style niya bulok!"
Napahagikgik ako.
"Huwag mo 'ko'ng tawanan napipikon ako. Kapag nakita ko ulit 'yun'g ungas na 'yun babasagin ko pagmumukha nun talaga."
"Oohhh." touched ako, "Ang sweet talaga ng Kuya ko."
"Tumahimik ka. Pumayag ka pa'ng makipag-dinner sa ex mo'ng hilaw. Minsan din talaga sarap mo rin'g bigwasan."
"Sige nga, gawin mo nga."
Aba at talaga'ng susuntukin niya 'ko pero huh! I'm speed. Naiwasan ko naman at nasipa ko ang likuran nang mga binti ng akin'g kakambal kaya ito napaluhod sa sahig.
"Kapag hindi mo binugbog ang lalaki'ng 'yun sa gabi'ng 'yun, itatatwa talaga kita na magkambal tayo!" napa-aray pa 'to habang tumatayo.
"Huwag ka'ng mag-alala, hindi ako pumayag. Hindi ako makikipagkita sa kanya. Para saan pa?"
"Closure. Diba wala kayo'ng closure nun?"
"Pwede naman niya sabihin sa chat o sa video call. Pwede niya rin ako'ng e-email lang, DM-DM din. Bakit sa personal pa?"
"Para makipagbalikan."
"Neknek niya, hindi ako makikipaglandian ulit sa kanya noh? Matapos ako'ng landiin at pakiligin nang ilan'g buwan tapos ego-ghost lang pala ako? Ulol."
Tinitigan ako ni Pedro, may pagmamalaki sa ekspresyon ng kanya'ng mukha.
"Minsan ko lang 'to sasabihin, nag-mature ka na rin talaga."
"Aba, well of course."
Nangisi ang akin'g kambal. "Napalaki kita nang maayos. I've never been prouder." mabigat-bigat naman 'yun'g pagtapik-tapik niya sa likod ko.
"'Yun'g baga ko naman." nagreklamo ako sa tawa'ng tawa ko'ng kakambal.
"Sparring tayo," naghamon 'to ng suntukan, "kailangan ko'ng ilabas 'to'ng gigil ko. Gigil pa rin ako dun sa ex mo'ng hilaw. Subukan lang talaga niya'ng guluhin ulit buhay mo at naku," napa-high kick pa ang damuho, "mata lang niya ang wala'ng latay kapag nagkataon."
"Hindi nga ako makikipagbalikan dun, pwede naman mag-usap lang nang hindi sa personal. Bakit ako mag-aayos at magsasayang ng energy para puntahan siya? Hindi ko na kailangan magpa-impress sa kanya kasi matagal na ako'ng naka-move on."
"Tama! Tama 'yan! Matapos ka'ng paiyakin tapos babalik siya bigla?"
Gigil na gigil din talaga ito'ng Kuya ko. Paano ba naman kasi, nagchat nga sa'kin 'yun'g naging kalandian ko dati noon'g first year college pa lang kami. Siguro lima'ng buwan din kami'ng naglandian nun? Isa'ng semester na landian, ganyan. Inakala ko talaga jojowain na ako nun e, pero wala naman'g nabanggit, ni hindi nagtanong kung gusto ko ba na maging official kami. Natapos ang sem at lumipat nang iba'ng unibersidad, okay pa sana 'yun'g communication namin sa mga nauna'ng linggo pero alam niyo na, hindi nagtagal naglaho lang din. Hindi ko na ma-contact, parati lang niya'ng sinasabi na busy siya. Tapos 'yun pala may iba nang jinowa. Edi umiyak si inday? Hindi naman ako mawawasak nang ganun kung hindi 'yun nagpaandar ng "masaya ako dahil ikaw ang kasama ko, hindi ko alam ano'ng mangyayari sa future pero natitiyak ako na wala nang iba'ng babae na mas makakapagpasaya sa'kin" na hayop pala napakasinungaling. Isama niyo pa 'yun'g "hindi ako magbabago" na eme pero wala pa'ng isa'ng buwan aba nagbago na. Sarap suntukin talaga.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...