(Jonnie)
Chini-check ko kung nandun na lahat nang pagkain, sinigurado namin na paborito ni Cace ang mga handa.
"Wala nga pala'ng kanin. Magkakanin kayo?" tanong ko kay Sica.
"Nope."
"Sina Via magkakanin kaya?"
"I'll ask Via."
"Thanks, babe."
"Busy na busy a." boses 'yun ni Kean, pagtingin ko sa gilid ay nakatutok nga ang camera niya sa'kin. Agad nawala ang nakakunot ko'ng noo, default face ko na ata ang kunot-noo kapag nagugulat ako.
"Say hi to the camera." nakangisi si Kean. Siguro mukha na naman ako'ng ewan sa screen.
Nag-ayos muna ako ng buhok bago umawra sa harap ng lente.
"Hello, camera... How are you camera? Me? I'm fine...Thank you for asking camera." pagpapa-cute ko.
At napabuhakhak ako pagkatapos.
"Kailan ka mag-gi-guest sa channel ko?" tinabihan na'ko ni Kean, sa'min na nakatutok ang hawak.
"Wala naman'g hindi nadadaan sa maayos na usapan. Bale, wanpayb lang naman per 10 minute exposure."
Narinig namin ang tawa ni Sica na nakaupo sa kama sa mga punto'ng 'yun.
"Grabe naman 'yun'g rate mo, madame."
"Hoy, 'yun'g extra nga sa mga palabas sa TV, 1k agad palakad-lakad ka lang. Tapos 5k kapag may halo'ng sigaw at one-liner." paliwanag ko, tumataas na naman 'yun'g boses ko.
Again, default voice ko na talaga 'to. 'Yun'g boses ko pa naman medyo mabuo, tapos kahit na hindi naman ako galit, nagmumukha ako'ng galit.
Tumawa nang sabay ang magjowa. Oo nga pala, thirdwheel ako sa pagkakataon na 'yun.
"Presyo'ng kaibigan na nga 'to'ng hinihingi ko. Ang babarat niyo ha?"
"O kalma, kalma." napaakbay ito sa'kin, "Gigil na naman siya." si Sica ang kinausap ni Kean.
"Do you want to take over the vlog later?"
"Ha? Bayad ba 'to?"
"Bayad."
"O akin na." kinuha ko ang hawak niya'ng camera. "Hey guys! Welcome to the blo-" napa-pause ako, inhaled, exhaled.
"Welcome to the vlog. Simula ngayon, ako muna ang maghahandle ng channel ni Kean kasi kita niyo naman, busy sa landian ang dalawa." tinutok ko sa love birds ang camera, nagyakapan pa ang mga 'to.
Luh, miss na miss ang isa't isa? Parang hindi magkasama kanina?
"Psst hoy! Get a room."
"It's this room." sagot ni Kean.
"O edi dun kayo sa banyo."
Nagtawanan lang ang dalawa.
"So guys, birthday ng bunso ng barkada and we're about to surprise him." nahinto ako para titigan ang mukha ko sa screen. Siguro iilan'g segundo din 'yun, nakangiti pa 'ko nang pino'ng pino.
"Gosh, I'm so pretty. Why am I so pretty?" I fell in love with myself over and over again.
At natawa ulit ako sa sarili ko, hagip na hagip nang camera ang malaki ko'ng bunganga.
BINABASA MO ANG
A Little Bit Of Something (On-Going)
ChickLitJonnie, the strong-independent-no-jowa since-birth woman decided to help her best friend Sica with her new vlog content. It was for fun and for money at first, until someone pulled the red string of fate, confusing her feelings for a friend she's be...